Warning: SPG! [Sorry na agad sa spg.] Enjoy reading! Nagulat ako sa ginawa niyang paghalik sa 'kin. Hindi ko agad siya naitulak kaya medyo nagtagal ang paghalik niyang 'yon. Pumikit ako at buong lakas siyang tinulak palayo sa 'kin. "A-anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong. "I miss you. Bawal ko bang halikan ang asawa ko?" Tanong niya. "Lumayo ka, Aiden. Umuwi ka na." Iyon lang ang nasabi ko at agad na inubos ang tubig sa baso ko. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Please, I'll stay here tonight. Ikaw lang mag-isa rito. Wala kang kasama." Pagmamakaawa niya. "Kaya kong mag-isa. Sanay na ako." Sagot ko at hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Iniwan ko siyang nakatayo roon. Pumasok ako sa kwarto at nilock 'yon at naghanap ng maisusuot na pambaha

