Enjoy reading! Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Gusto kong pag-isipan nang mabuti ang desisyon na gagawin ko. Naguguluhan ako. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Aiden sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Magpapahinga lang ako." Agad akong naglakad papunta sa kwarto. Umupo ako sa kama at napatakip sa mukha dahil sa mga nangyari. Gusto kong pag-isipan nang mabuti 'to. Hindi ko alam kung si Aiden ba o ang pamilya ko. Ilang sandali ako sa ganoong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong nakita ang pangalan ni Shiela sa screen. "Hello, Shiela." Pagsagot ko. "Kumusta?" Tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya o magsisinungaling ako. "Pwede ba tayong magkita mamayang gabi?" Tanong ko. "Sure. Halatang may problema

