“What? What did I do wrong this time?” I asked, confused.
Sinamaan niya ako lalo ng tingin.
“Where have been the whole week?” he asked in a thick voice.
Napalabi ako sa tanong niya.
“Sagot, Veatrice Serene.” Nanlaki ang mga mata ko at agad na nakaramdam ng kaba. Ibang kaba ito!
What the f**k did I do?!
“S-Sa bahay… sa school, saka sa mga photoshoot. M-May fashion show ako ka-kahapon kaya busy ako.” sunod-sunod kong sagot sa kaniya.
His eyes narrowed at me. Halos hindi siya maniwala sa akin dahil sa pagkakautal ko at sa paglilikot ng mga mata ko.
“And you never had a chance — to have a f*****g time to text me?” Napatingin ako sa kaniya. Gulat sa biglaan niyang sinabi. Hindi agad ako nakapagsalita at nagawa ko pang titigan ang kaniyang mga mata dahil hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kaniya.
“You… want me to text you?” I slowly asked. I thought he don’t want me bothering him?
“Tss.” Iyon lang kasabay ng pag-igting ng panga niya at pag-iwas ng tingin. “I was waiting for your text.”
Hindi ko naiwasan ang gulat sa sinabi niya. Pagkatapos no’n ay agad na sumilay ang ngiti sa labi ko. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa ngiti ko. He stepped forward and glared at me.
“Why are smiling? Pinaglalaruan mo ba ako? Ni hindi ka nagpaparamdam sa akin ng ilang araw, tapos ngayon ngiti-ngiti ka riyan.” he growled at me.
Napanguso ako, “I told you, I was busy, okay. May ramp ako no’ng Sabado. Kahapon. Sunod-sunod na photoshoot sa isang kaibigan ni mommy. One week din na narito ang mga kapatid ko dahil sembreak nila. Sinulit ko lang dahil… hindi naman ako palaging makakapunta ng Cebu para puntahan sila at bisitahin. I was busy with them, enjoying our week. Hindi ako… pumupunta sa school n’yo dahil… alam kong maiirita ka sa ’kin kapag nandoon ako. So I took a break from… bothering you. Hindi ko naman alam na hahanapin mo ’ko.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Umigting lang ang panga niya at ilang sandaling natahimik. Pinoproseso siguro ang sinabi ko. We look like a couple here, arguing with petty things.
“Pupuntahan naman kita bukas sa school mo. Kasi nakauwi na ang mga kapatid ko sa Cebu, kasama si mommy.” dagdag ko pa.
“And why are you here?” he asked in his husky voice.
“I’ll just have dinner… alone.” marahan kong sagot.
“Are you sure? O may kikitain ka rito?” nagdududa niyang tanong.
I felt a slight pain in my chest but I didn’t mind his words.
“Wala. Ako lang.” I smiled painly at him. Gusto kong magtanong kung bakit siya nandito, o kung sinong kasama niyang kumain dito.
“Let’s get inside,” napaangat muli ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya ’yon.
“Uh… ayos lang naman na ako lang mag-isa ang kumain.”
“Hindi pa ako nag-didinner. Magsabay na tayo.” Gustong kumawala ng ngiti sa labi ko pero pinigilan ko ’yon dahil baka mairita na naman siya sa akin.
Inirapan niya ako. Nanlaki ang mga mata ko pero tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad.
“Wala ka bang kasama pumunta rito?” tanong ko habang naglalakad kami papasok sa restaurant.
“Wala,” he answered dismissively.
“So, kararating mo lang din nang dumating ako?” What a coincidence. Ito lang ata ang coincidence na gustong-gusto ko.
“Siguro,” how cold!
Hindi na ako nagsalita dahil may sumalubong sa aming waiter. Napatingin siya sa akin sabay baling kay Blade, at bumalik ulit sa akin, ngayon ay namamangha na. He’s looking at me with those amused eyes. I bit my lower lip, lalo pa nang bumaling din sa akin ni Blade, galit na naman.
“Good evening, ma'am, sir, table for two?” Sa wakas ay nagsalita na rin ang waiter mula sa pagtitig sa akin.
“Yes, please.” sagot ni Blade kaya naman iginiya na kami ng waiter sa hindi kalayuang table.
Nang makaupo kami ay binigyan kami ng menu at tubig. Pasulyap-sulyap sa akin ang lalaki kaya nginingitian ko siya. When I look at Blade, ge looks so grumpy as he read the menu. Nang matapos kaming um-order ay umalis na rin ang waiter. Nagkaroon na agad ng pagkakataong magsalita si Blade.
“The waiter seems so… attracted to you.” he stated.
Bumaling ako sa kaniya, “huh? Ano’ng attracted? Tinitingnan lang naman niya ako.” Kunot-noo akong nakatitig sa kaniya. “Is that your definition of attraction?”
“Panay ang tingin niya sa ’yo. Kahit na nandito ako, tingin nang tingin sa ’yo.”
“I think because I am a known young model?” sagot ko sabay taas ng kilay. “This is the first I eat here. Kaya siguro nagulat siya na narito ako.” dagdag ko.
“I don’t like that.” Napangiwi ako sa sinabi niya. But something excite inside me.
“Why?” I asked out of nowhere.
“I just don’t like that.”
Ilang minuto kaming natahimik. Hindi ko alam kung saan ako titingin habang nakatingin siya sa akin. I felt so conscious suddenly.
Hanggang sa dumating ang pagkain namin ay medyo tahimik na ako, hindi na ako makatingin sa kaniya. Just because of those words, ito na agad nararamdaman ko. Nakakainis! Kasi bakit ganito ang epekto niya sa akin? Hindi naman ako ganito. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito sa mga past flings ko. Well, he’s really far different from them. Mga gwapo rin sila, pero mas gwapo talaga si Blade.
“You said you’re going to study in Australia?” tanong ko nang maalala ’yon.
“Oo, pero matagal pa naman ’yon. Tatapusin ko pa ang pag-aaral ko rito.”
“Bakit mag-aaral sa Australia kung tatapusin mo rin naman ang pag-aaral mo rito?”
“For more expertise.” Tumango ako, pero hindi pa rin maintindihan.
Hindi ba ay magpupulis siya? Iyon ang alam ko sa kursong kinukuha niya. Pero mukhang may gusto pa siyang mas mataas na kunin sa ibang bansa.
“Ibig sabihin niyan, after you graduate, you’ll pursue going to Australia?” I asked carefully.
“Yes, and we also have a business in Australia. I will be the one handling that one after I graduate.” Nalungkot naman agad ako.
Alam ko namang hindi rin magtatagal ay… magkakalayo kami ng landas. He’s not interested in me, kaya wala siyang pakialam kung malungkot ako sa pag-alis niya. Kahit pa matagal-tagal pa naman ’yon. Malay mo break na kami no’n, char.
“Matagal pa naman ’yon,” aniya na medyo nagpagaan sa loob ko. At least he saw how affected I am with that thought.
I smiled a bit and continued eating my dinner peacefully. He did the same and sometimes glancing at me.
“Tapos na ba kayo sa research paper n’yo?” I asked casually.
“Yeah, tapos na rin mag-defend.”
“So, you’re already tomorrow after your class?” I asked a bit cheerful now.
“Maybe. Kung walang practice ng basketball, I’m free, pero kung meron…” nagkibit-balikat siya.
Tumango ako, “I’ll text you tomorrow. You should reply if you’re free or not.”
Umirap siya, “whatever.”
Hinatid niya ako sa condo tower ko. Convoy lang dahil pareho kaming may dalang sasakyan. Masaya ako at malaki ang ngiti nang makapasok sa loob ng unit ko. At natulog na masaya at magaan ang nararamdaman kahit pa nga pagod ako sa buong isang linggo dahil kay mommy.
Kinabukasan ay gumising ako na sobrang gaan ng pakiramdam.
“Good morning, Trouble.” bati ko sa alaga kong aso.
Pinakain ko siya habang naghahanda ako ng pang-almusal ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Blade.
To: Blade
Good morning, pogi!
As usual, hindi siya nag-reply. Hindi ko na inintindi ’yon at nagsimula na lang kumain. Tiningnan ko ang schedule ko at nakitang hanggang ala-una ang pasok ko. Napabuntong-hininga ako at naisip na this coming Friday ay may shoot ako sa Ilocos. Hanggang linggo ’yon, ito ’yong brand kung saan kaibigan ni mommy ang may-ari. I don’t know I am doing them a favor, but the brand is a known brand, kaya ayos na rin ito. Mga gowns naman iyon. At dahil maraming magagandang tanawin sa Ilocos ay doon nila naisipang mag-shoot. Wala namang problema sa akin dahil sila na rin ang nag-adjust sa schedule ko sa school. Sinaktong Friday dahil wala akong pasok ng Friday. Mabuti na lang din at tapos na ang isa kong shoot.
Nakatulala ako sa kawalan habang nag-aalmusal nang tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. I lazily got my phone. Dahil alam ko namang hindi si Blade ’yon. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. He replied!
“Oh my gosh!” bulong ko habang binubuksan ang mensahe niya.
From: Blade
Good morning
How… cold. Pero at least, nag-reply!
To: Blade
Any news about your schedule today? Are you free later or not?
I bit my lower lip. Siguro ay matagal ulit siyang magre-reply. But I was wrong. Because after a few seconds, he replied again. Gusto kong tumili pero pinigilan ko ang sarili ko.
From: Blade
Our coach said we have a practice this afternoon, after lunch.
Then, an idea popped up in my mind.
To: Blade
Can I watch, though?
Para na akong tangang nakangiti rito.
To: Blade
I promise I won’t do any stupid things :)
Humagikgik ako sa huling mensahe ko para sa kaniya. Alam kong tututol siya, pero hindi ako magpapigil. Pupunta pa rin ako. P’wede naman ’ata ang outsider sa kanila.
Hindi na siya nakapag-reply, siguro ay naging abala na rin siya. I tapped my dog’s head and kissed him.
“Bye-bye, baby.” I said. “Yaya, ikaw na po bahala kay Trouble.”
“Sige ho, ma'am.”
Umalis na ako roon at dumiretso na lobby ng condo. Hindi ko dadalhin ang kotse ko para may dahilan akong hindi muna umalis kung sakaling pauwiin ako ni Blade. Naalala ko naman ang nangyari noong huli kaming magkita sa school niya. Nakakahiya iyon pero wala naman din akong choice kung ‘di ang sundin siya.
Ang daming pinagawa sa amin ng mga prof dahil na rin sa midterm na kaya marami na namang ginagawa. Naiinis lang ako kasi may prof na maarte at kailangan maganda at maayos ang gawa mo sa mga pinapagawa nila. Ang hihirap pa ng subjects, kahit na minor lang sila.
Tumambay muna ako sa kiosk habang naghihintay ng oras para sa huling subject. Kakatapos ko lang kumain ng tanghalian kaya nagpapahinga na lang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Blade.
To: Blade
What time ‘yong practice mo?
Hindi pa agad siya nag-reply. Baka abala pa o kumakain. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya nakapag-reply sa akin.
From: Blade
Ala una pa naman ‘yon. Anong oras ka ba pupunta rito?
Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mabasa ‘yon. Hindi siya nagreklamo. Hindi siya nagsabi na h’wag na akong pumunta. Hinahayaan niya ako.
To: Blade
I still have a class until 2pm :(
From: Blade
Alright.
Nakangiti ako habang binabasa ‘yon. Kahit na napakaikli ng sagot niya. Pero nagulat ako nang may sumunod na mensahe galing sa kaniya.
From: Blade
Text me when you’re already here. Susunduin kita dahil baka hindi ka papasukin, lalo na sa gym.
To: Blade
Alright! See you!
Kaya naman ganadong-ganado ako sa pagpasok sa next subject. This is the first time that he let me be with him. Hindi niya ako pinigilan sa pagpunta sa school niya. I think this is the good sign na magbabago na ang tingin niya sa akin?
After my class, halos takbuhin ko ang labas papunta sa gate. May bumabati sa akin at ngiti na lang ang naitutugon ko dahil sa kakamadali kong makalabas. Someone even offered me a ride but I refused.
“Sige na, Vea! Saan ka ba pupunta?” This guy used to hit on me the past few months. He’s handsome and from a wealthy family, pero hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Blade. The latter is more attractive, way more handsome than him, and never brag about his wealthy family. That’s why I liked him more for that.
“May pupuntahan akong university. Pupuntahan ko ang crush ko. Kaya no need to drive me there. I can take a taxi. Thank you!” I refused politely and smiled.
Mabuti na lamang at hindi na siya nagpumilit na ihatid ako. Pumara ako ng taxi at sinabi ang pupuntahan ko. Dahil medyo traffic ay natagalan ako. At nang nasa tapat na ako ng gate ng university niya ay nag-text ako sa kaniya.
To: Blade
I’m already here outside :)
Hindi siya nag-reply kaya naman tumingin na lang muna ako sa paligid. Nakahalukipkip ako habang nakamasid sa mga dumadaang estudyante. May napapatingin sa akin dahil iba ang uniform ko sa uniform nila, and I am standing here, waiting for Blade.
Ilang minuto na pero wala pa rin siya. Napapasimangot na ako at panay ang tingin sa cellphone kung nakapag-reply ba siya. Napabuntong-hininga ako at napakagat sa pang-ibabang labi.
“Sorry for making you wait,” napabaling ako sa likod ko at nakita si Blade na hinihingal at may pawis pa, nakasuot ng jersey niya.
Napakurap-kurap ako at namangha sa hitsura niya ngayon. Hindi ako sanay pero… ang gwapo niya. Sobra.
“O-Okay lang.” Tanging sagot ko.
“Naglalaro pa kami no’ng nag-text ka, ilang minuto na ang nakalipas nang mabasa ko. Nagpaalam pa ako sa coach ko para puntahan ka.” Tumango ako.
“It’s fine. Hindi pa naman nagtatagal nang makarating ako rito.” I smiled and look away. Damn. Kahit pawis siya ay naaamoy ko pa rin ang bango niya. Hindi man lang amoy pawis.
“Let’s go,”
Sumunod ako sa kaniya at nakita kong kinausap niya ang guwardiya para tuluyan akong makapasok. Kadalasan kasi ay sa parking lang ako o kaya ay waiting area ng university nila. Ito ang unang beses na papasok ako rito. P’wede naman ang outsider pero minsan ay hindi nila pinapayagan.
“Medyo malayo-layo rito ang gym.” saad niya.
“Ayos lang,” basta ikaw ang kasabay ko maglakad.
“Hindi ko alam na naglalaro ka pala ng basketball.” sambit ko habang naglalakad kami.
“Nitong college lang ako sumali.” Very informative, Blade. Ang galing.
Hanggang sa makarating kami sa gym ay tahimik kaming dalawa. Nang makita ako ng mga ka-teammates niya ay may mga pumito at humiyaw, nangangantiyaw sa kaniya.
“Wow! First time nagdala ng babae rito!” anang isang lalaki na may kulay ang buhok.
“Ganda ng girlfriend mo, bossing!”
“Yown, gaganahan na ‘yan maglaro.”
Kumunot ang noo ko at medyo nahiya.
“Tss.” si Blade na mukhang hindi gusto ang pangangantiyaw ng mga kasama.
Bumaling siya sa akin at naabutan niya ang pamumula ng pisngi ko dahil sa mga kasama niya.
“Come here,” aniya nang makitang medyo malayo ako sa kaniya.
Lumapit ako at mahigpit ang hawak sa bag. Nakatingin siya sa akin, nanunuri ang mga titig. Ako naman ay hindi siya matingnan dahil medyo nahiya sa mga kasama niya. Hindi ko naman pinagsisisihan ang pagpunta rito, pero kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa mga pang-aasar nila.
Iginiya niya ako sa pangalawang palapag ng mga upuan doon. Kinuha niya ang bag niya at tubigan at itinabi iyon sa akin. Nang-uusisa namang nakatingin sa akin ang mga ka-team niya. May ibang naroon at napapatingin din sa amin. Siguro nga dahil unang beses na nagdala si Blade ng babae rito. Pero… ako naman ang nagpumilit na pumunta rito.
“Don’t mind my teammates. They’re really usually like that.” Tumango ako sa kaniya.
“Are you the captain ball of your team?” I asked slowly.
Umiling siya, “hindi.” Tumango ako.
“After your practice… can we have… a date?” Tinitigan niya ako, mata sa mata, tila binabasa ang nasa isip ko.
At halos mapunit ang labi ko sa kakangiti nang tumango siya sa akin nang marahan. Hanggang sa makabalik na siya sa practice ay nakangiti ako. Pinanood ko siyang maglaro. Mukha naman siyang hindi distracted sa presensya ko dahil magaling pa rin siyang maglaro at nakakapag-concentrate pa rin siya nang maayos sa paglalaro. Habang ang mga kasama naman niya ay may sinasabi sa kaniyang tinatawanan at iniilingan na lang niya. Siguro ay para madistract siya.
Madalas din ang pagtingin niya sa banda ko sabay kunot ng noo. Nag-iiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa seryoso niyang tingin. Nang matapos ang laro nila ay napapalakpak ako dahil sa kaniya ang huling shoot at panalo sila.
Nabitin sa ere ang pagpalakpak ko nang bumaling siya sa akin at magsimula nang maglakad palapit sa akin. Nakatingin siya sa akin habang naglalakad. Todo naman ang kalabog ng puso ko dahil sa tingin niya. Napalunok ako nang tuluyan na siyang makalapit.
“Hirap kalabanin ’pag inspired,” anang lalaking malapit sa p’westo namin.
“Shut up, Dogillo.” untag ni Blade sabay kuha ng tubigan niya.
Uminom siya roon. Pinanood ko ang pagtaas-baba ng kaniyang adam’s apple. Alam kong alam niyang nanonood ako sa ginagawa ko pero hindi niya ako sinita. Napatingin ako sa towel niya at kinuha ‘yon. Tumayo ako at kitang-kita ko ang gulat niya nang punasan ko ang noo niyang puno ng pawis.
“‘Yon oh! May taga-alaga na!” Masama ang tinging iginawad ni Blade sa lalaking nagsalita dahilan kung bakit tumigil ito pero naroon pa rin ang halakhak.
Dahan-dahan ko namang ibinaba ang kamay ko dahil sa hiya. Ngayon ko lang na-realize na… hindi ko dapat gawin ‘yon. Pero hindi naman siya umiwas.
“Continue what you are doing, Veatrice. Don’t mind them.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang sabihin niya ‘yon. “Hindi lang sila sanay na may dinala akong babae rito. Usually, girls who likes me—”
“Sila ang pumupunta rito.” pagtatapos ko sa sinasabi niya. “Hindi naman din ako iba sa kanila. Ako rin naman ang nagdala ng sarili ko rito, kaya pareho lang ‘yon. Siguro ang kaibahan ay… kasama mo akong pumasok, sila hindi.”
“Tss…”
Napanguso ako.
“Ang g’wapo mo kasi, kaya ang daming nagkakagusto sa ‘yo.”
“Iyan lang ba ang dahilan kaya mo ako nagustuhan?” His voice is almost a growl.
Umiling ako, “hindi. Pero… iyan ang unang naka-attract sa akin. Kahit na magaspang ang pakikitungo mo sa akin, gusto pa rin kita.” sagot ko habang nagpapatuloy sa pagpupunas sa kaniya.
Hindi siya nagsalita nanatili ang tingin sa akin. Huminga siya ng malalim at dinilaan ang labi. Ngumiti ako at tinapos ang pagpupunas sa kaniya.
“I’ll freshen up first before we go out.” Tumango ako at umupo na sa bench.
“I’ll wait here,”
Umiling siya, “you can wait inside. Mapagkakatiwalaan naman ang mga kasama ko. Let’s go.”
Nagulat ako sa anyaya niya pero hindi ko na tinanggihan dahil hindi rin naman ako komportable umupo sa bench doon dahil sa mga nakatingin sa akin. May naririnig pa akong nagbubulungan dahil… kilala nila ako bilang isang modelo. Pero nakakahiya na narito ako.
“Veatrice Serene,” napatayo ako dahil sa pagtawag niya sa akin.
At mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko at hatakin ako paalis ng gym.