KABANATA 6

3205 Words
His crush… Then I remembered his words when we formally met in Dane’s Plantation in Cebu. That he have someone he likes. He likes someone else. Siguro… iyong babaeng kinukulit niya ‘yon. He was smiling at her, that he never did whenever he’s with me. He looks so friendly and warm with her, but with me… he’s always cold and reserved. How cruel he is to me. “Nakaalis na ba kayo studio?” tanong ko sa cellphone. Tinawagan ko ang manager ko nang makasakay ng taxi. “Hindi pa. Bakit? Sabi mo hindi ka na sasabay sa amin?” he asked. Huminga ako nang malalim, “something came up. I’m sorry for inconvenience. N-Nasira kasi ‘yong sasakyan ko.” sambit ko habang pinipigilan ang sariling h’wag pumiyok. “Buti na lang at narito pa kami sa studio. Sige hihintayin ka na lang namin. Sakto naman tayo sa van, hindi naman siksikan kasi may mga dalang sasakyan ang ibang stuff.” “Sige, papunta na ako.” Tulala ako sa biyahe hanggang sa makarating na ako sa condo. Kinuha ko ang gamit ko at bumiyahe ulit papunta sa studio. Nasa labas na sila ng building nang maabutan ko, ready to go na. Hindi naman din nila pinansin ang katahimikan ko dahil sinabi kong pagod ako. Ipinikit ko lang ang mga mata ko habang nakasandal sa backrest sa passenger seat. Sige ang daldalan nila pero ako ay hindi na nakisali. I turned off my phone to not receive any phone calls and messages while we’re on our way to Ilocos. I’ve had enough for today. Ilang oras din ang biyahe. Nakakatulog kami sa biyahe at nagigising kapag kakain na. May dala naman akong snacks, I share it with them and they’re sharing what they have to me. Hanggang sa makararating kami sa hotel na tutuluyan namin ay tahimik ako. “Tahimik mo today, ah.” my manager said when I went out of the van. It’s already 9:30 in the evening. Pagod na kaming lahat sa biyahe. “Pagod lang, you know.” I said meaningfully. “Oh, your usual problem, huh.” I smiled a bit. Hindi na niya ako tinanong pang muli. Pumasok kami sa loob at agad din naman kaming inasikaso dahil may reservation na. I can hear the waves of the sea from where we are. The smell of salt and coldness of the breeze. Mabuti na lang din at mabilis lang kaming nakaakyat para sa mga kuwarto. Tatlo kaming model at sama-sama rin kami sa iisang kuwarto. Ako ang pinakabata sa amin at wala naman ding problema sa kanila ‘yon. Sa pagod namin sa biyahe ay lahat kami maagang nakatulog. Alas sais ang call time namin para magsimula sa trabaho bukas. Hindi ko na binuksan ang cellphone ko dahil wala naman din akong gagawin. Kinabukasan nang magising ako ay alas kuwatro pa lang ng umaga kaya naman binuksan ko an ang cellphone ko. Nag-aadjust pa ang katawan ko sa paggising nang makita ko ang sunod-sunod na mensahe at tawag… galing kay Blade. Napabuntong hininga ako. Ang huling tawag niya ay kaninang ala-una ng madaling araw. Binasa ko ang mensahe niya. Nagsimula ako sa mga una niyang mensahe. From: Blade Where are you? From: Blade It’s already 4pm, you’re still not texting me. From: Blade Ranjay told me you went to school this lunch. I was in the field. Bakit hindi mo ‘ko tinext? From: Blade Where the hell are you? I went to your condo unit and your maid told me you’re already off to Ilocos? That was 7pm in the evening. From: Blade Nag-usap na tayo na ihahatid kita, bakit umalis ka agad? At hindi mo man lang ako sinabihan. That was his last message. I didn’t replied to any of his messages. I know I don’t have the right to get jealous, to feel hurt, to feel any of these emotions right now because… I am just nothing to him. He doesn’t even like me. Hindi ko na lang inintindi ‘yon at nagsimula na akong maligo at mag-ayos para sa shoot mamaya. Nang matapos sa paghahanda ay bumaba na kami para mag-almusal. Mababait naman ang mga model na kasama ko dahil sila rin madalas ang kasama ko sa ilang shoots. “Hindi naman tayo mahihirapan nito dahil hindi naman peak day today.” anang isang stuff habang kumakain kami. “Anong hindi? Akala mo lang ‘yon. Marami pang darating niyan. Saka weekend ngayon, for sure maraming magbabakasyon.” kontra ng manager ko. “Vea’s extra quiet today, ah.” ani Ate Sab nang mapansin ang katahimikan ko, siya ang isa sa mga modelong kasama ko. I looked up at them. “Oo nga. Usually dapat nagse-selfie-selfie na ‘yan para sa IG post niya. You know, model things.” sapaw ng manager ko. Umirap ako, “I’m just preparing myself for later. Ayaw kong ubusin ang energy ko today dahil marami tayong gagawin, ‘di ba? Ilang gowns ang imomodel namin.” “Well you’re right,” Nang mag-alas siyete na ay nagsimula na kaming mag-ayos. They already did my make up. Some stuffs of the hotel even help us prepare. May dalawa pa kaming kasamang lalaking model, partner ni Ate Sab at ni Ate Kyla. “Suotin mo na ang gown, Vea.” Tumango ako at pumunta sa ginawang fitting room. Hindi naman kami mabobosohan dito at nasa bandang dulo kami ng beach kaya hindi matao. We started the shoot, one by one first, and as a group for the second time. Inabot kami ng hapon sa photoshoot. Nagpahinga lang nang mag-alas singko na ng hapon. “You can enjoy the beach now,” anang manager namin. “Anong oras na, mae-enjoy pa ba namin ‘to?” bulong ko habang nagtatanggal ng makeup. Natawa siya, “aba, hija, trabaho talaga ang sadya natin dito. Bonus na lang ang beach ngayon.” I make face to annoy her but she just laugh at me. Hindi na inalis muna ang tent dahil gagamitin pa namin bukas ‘yon para sa mga cosmetics. Pumasok na kami dala ang mga gamit. Hindi ako nagbihis ng bikini dahil wala naman akong planong maligo. Hindi ko rin alam bakit dito sa beach ang set up kahit na gown naman ang minomodel. Lumabas ako ng hotel room nang makapagbihis ng maong short at sleeveless sweetheart top. Nakatsinelas lang ako at dala lang ang wallet at cellphone pababa. Kakain lang ako ng dinner at siguro ay magmumuni-muni sa dalampasigan. Nakasalubong ko ang isa sa mga kasamahan namin at sinabing nasa seaside ang mga kasama namin para kumain doon ng hapunan. Tumango ako para pumunta roon. Pero hindi pa man ako nakakalabas ng hotel ay natigil na agad ako sa paglalakad nang makita ang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin. He’s looking at me piercingly, dark, and menacing. He looks… angry. At me. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa paglalakad palabas o… babalik na lang ulit sa hotel room ko. Why is he here? And… oh, I remember. I told him the hotel where we’ll stay. Huminga ako nang malalim at hindi alam kung anong gagawin ngayon. Napalunok ako ng marahas nang bigla siyang maglakad palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang tumigil siya sa harap ko at galit ang tinging iginawad sa akin. Nag-iwas ako ng tingin, kunot-noo at hindi alam ang gagawin. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa presensya niya ngayon. I exhaled slowly. “Let’s talk,” aniya at hinawakan ang kamay ko. Kahit kita ang galit niya ay marahan pa rin ang paghatak niya sa akin palabas ng hotel. Dinala niya ako sa dalampasigan. Binitawan lang nang nasa malayo na kami at sa walang taong banda. “A-Anong pag-uusapan natin?” marahan kong tanong sa kaniya. “Sa pag-alis mo nang hindi nagsasabi sa akin. We already talk about it, right? Nag-usap tayo na ihahatid kita rito. Nag-usap tayo na sabay tayong pupunta rito. Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? You didn’t even text me! You never answered my phone calls!” he spat angrily. Yumuko ako. “Ranjay told me you saw me in the field…” he trailed off. Hindi ako nagsalita. “You saw me with Kyleigh.” marahan akong pumikit. “And… he told you she’s my crush. Yes, she is. I liked her.” Tumango ako kahit na parang dinudurog ang puso ko sa mga sinabi niya. Kailangan ba talagang ipagduldulan sa akin na hindi niya ako gusto at hindi niya ako magugustuhan? “Hindi mo ‘ko nilapitan dahil… sa kaniya.” Tumango ulit ako. “Naiintindihan ko naman na… ayaw mo sa akin kaya… hindi na kita inabala pa. Saka, dumidiskarte ka sa babaeng gusto mo kaya bakit kita lalapitan para guluhin, ‘di ba? That’s rude. And I know where I stand so,” I smiled bitterly. “Know where you stand?” he scoffed in disbelief. “I was waiting for you yesterday, tapos iyan ang iniisip mo?” rinig ko ang inis niya sa bawat salita. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Naguguluhan sa inaakto at sinasabi niya. “What? Mali ba ako? At saka… tama lang naman ‘yon, ‘di ba? If you like someone, then… I shouldn’t push my self to you. I should stay away.” Iyon ang hindi ko ginawa noon, because I was blinded by my feelings towards him. And the challenge I saw to him. He sighed frustratedly. “You don’t understand. Damn. How should I say thi?” bulong niya sa huling salita. Tila hindi rin maintindihan ang sarili. “Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Kailangan ko nang mag-dinner at magpahinga ng maaga dahil may photoshoot pa kami bukas. And I am sorry for leaving you yesterday.” I said straightforward. “You can enjoy your vacation here. Unwind. I won’t bother you.” Mariin siyang napapikit. At nang magmulat ay mapupungay na ito, tila naglalambing. “You won’t bother me?” he asked like it was a pain in the ass that I won’t bother him. Tumango ako at naglakad na palayo sa kaniya. Tinawag pa niya ako pero nagpatuloy na ako sa mabibilis na lakad. Iniwan ko siya roon. I don’t know what’s with him. Kung nantitrip lang ba siya o ano. Hindi ko siya maintindihan. For the past days, he’s giving me mixed signals. I don’t like it, yet I was blinded by my feelings and let him give those mixed signals, do those gestures. Gusto ko siyang intindihin pero paano ko siya maiintindihan kung… ayaw niyang magpaintindi? Dumiretso ako sa restaurant na sinasabi ng kasama ko. Naroon nga sila at sama-sama sa isang mahabang lamesa na sakto lang sa dami namin. Kumain ako pero tahimik at tulala pa rin. Napapansin ‘yon ng mga kasama namin pero hindi nila ako inusisa. Tahimik lang din silang nagmamasid sa akin. I was about to finish my dinner when someone stopped beside my chair. Sa amoy pa lang ng mamahaling pabango niya, at sa kilalang presensya, kilala ko na agad kung sino siya. I sighed. Mas lalong nadepina ang katahimikan ng mga kasama ko. May naubo pa dahil siguro sa gulat. But no one dared to talk and call me to address Blade. “Are you done?” he asked in a low voice. Nagpatuloy ako at tinapos na ang pagkain. Uminom ako ng tubig at marahang tumayo. “Aakyat na ako para maagang magpahinga,” paalam ko sa mga kasama ko. “O-Oh! S-Sige, Vea. Rest well!” ang manager lang namin ang naglakas ng loob para magsalita. Ang iba ay tahimik lang, tumatango at nagmamasid sa amin. Umalis ako roon, pero sumunod sa akin si Blade. Tahimik lang din at mukhang tinatantiya ang ekspresyon ko. “You’re silent,” puna niya nang makalabas na kami ng restaurant. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Naguguluhan na ako sa kaniya. He said he don’t like me. He won’t like me because of my personality. Because he saw me as a playgirl. And especially, he won’t like me because he likes someone else. Malinaw na sa akin ‘yon. Though, I still can’t help but like him. Love him. “Veatrice…” tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Natigil na lang ako sa paglalakad nang mahawakan niya ang braso ko. Hinatak niya ako paharap sa kaniya. Kunot ang noo ko at bahid ng galit ang ekspresyon. Lumambot ang ekspresyon niya at napakagat sa pang-ibabang labj. “Let’s talk, please.” he said pleadingly. Tinitigan ko siya nang matiim. “We already talked, right?” umiling siya. Hinatak niya ako papunta sa dalampasigan muli. Malapit sa banda kung saan kami nag-photoshoot kanina. Lumulubog na ang araw. Kaunti na lang at lalamunin na ng dilim ang karagatan. I look at the horizon and think deeply. “Kyleigh was… my highschool crush.” he explained. ‘Was’, ibig sabihin… “I liked her for being herself. She’s always silent. Always reserved. Always innocent. That’s what my type, right? I liked her until we were in first year college. We’re not in the same department but we’re in the same school. I admire her because she’s strong and independent, despite her family issues.” something punched my heart as I listen to him how he liked that woman. I can’t help but be jealous. “I liked her. Liked. Because it was in the past now. We’re good friends now. She doesn’t like me. That when I stopped my feelings towards her and just stay by her side as her friend. That’s all.” Palihim kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko. Nakaiwas ako ng tingin sa kaniya. I then looked at him, waiting for him to continue. “And when you came to my life…” he trailed off, licked his lower lip, tore his eyes off me, and sighed. “I suddenly changed my preferences in women.” I gasped and didn’t know how to react more. “Nasanay ako sa presensya mo. Sa ingay mo. Sa kakulitan mo. Sa determinasyon mo. Lahat.” Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. When our gaze met, I saw adoration in his eyes, and the rest were unreadable. I couldn’t name those emotions he has in his eyes. “You always invade my mind. Damn. Hindi ako mapakali kapag hindi ka nag-text sa akin. I don’t know. Maybe I’m crazy. And this. This silent treatment you’re giving me is driving me nuts. I hate this. I f*****g hate this. Hindi ako sanay na tahimik ka. Hindi ako sanay na hindi mo ‘ko pinapansin. It’s just almost a year now, but I am already used to your presence.” Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. He was looking at me seriously. His eyes were focused on mine. Then he crouched to kiss my forehead. Then he rested his forehead on my shoulder. “Please, don’t give me this silent treatment. I don’t want this. I’m sorry if you saw that. I know you were jealous. I’m sorry.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi, hindi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I shove his head away from me? I just can’t do that to him. Should I believe his words? Pero… mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Mukha namang hindi siya nagbibiro o nanloloko. Tahimik kami ng ilang sandali. Maya-maya ay umayos siya ng tayo, namumungay ang mga matang nakatingin sa akin. He held my hand gently. I was waiting for my heart to calm down, but he just couldn’t let me be at peace. “I want to… formally ask you… about this.” he swallowed hard, not toring his eyes off me. “Can I court you?” Hindi ko na naiwasan ang biglaang pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. What the f*****g hell is going on?! Did Blade just… asked me if he can court me?! For real?! “I like you, Veatrice Serine Gomez. I want to court you. I want to take care of you.” he licked his lips. “Ayaw kong… ikaw ang nanliligaw sa akin. Na ikaw ang hihingi ng oras ko. Na ikaw ang pupunta sa school ko. This time… it’s my turn. I will do everything for you.” Hindi ko namalayang namamalisbis na pala ang luha sa aking pisngi. Hindi ko maiwasang maluha. Dahil… dahil hindi ko naman inasahan na magiging ganito ang mangyayari. This is too good to be true! Is he really… going to court me? Hindi ko alam kung paano kami natapos sa pag-uusap na ‘yon. Ang alam ko lang ay dahil sa marahang pagtango ko, alam na niyang pinapayagan ko siyang ligawan ako. And he’s not bluffing! Inusisa tuloy ako ng mga kasamahan ko kinabukasan dahil sa pagsulpot ni Blade sa set. “Sino ‘yon? Manliligaw mo?” my manager asked me teasingly. I glared at her. “Hindi ba’t anak ‘yan ng sikat na businessman? They run a liquor company in Asia. Sikat. Mamahalin.” si Ate Sab habang mine-makeup-an din. “At only child,” dagdag niya. “Ay? ‘Di nga? sayang naman papareto sana ako kung may kapatid.” tawa ng isang baklang nagme-makeup sa kaniya. “Baka ma-conscious ka riyan, Vea, ah. Kakaltukan kita.” natawa ako sa sinabi ng manager namin. “Hindi ‘yan,” well, I doubt that. Tingin pa lang ni Blade, nakakatunaw na, e. I did my best to feel even the slightest nervousness while the photoshoot is going on. Ni hindi ko tiningnan si Blade na nanonood sa amin — sa akin. He was just there, crossing his arms, while watching me pose. Dumulas ang tingin ko sa kaniya at nagtama ang tingin naming dalawa dahilan ng pag-init ng pisngi ko. “Good shot, Vea!” sigaw ng photographer sa huling pose ko. “Let’s wrap it up,” anang manager namin. Agad akong binigyan ng payong pero inilingan ko lang. Hindi ko naman na kailangan niyan. Nilingon ko si Blade na unti-unti nang lumalapit sa gawi ko. Napanguso ako dahil sa ginagawa niya. Hindi pa rin ako sanay na… ganito siya. “Anong oras ang uwi n’yo?” tanong niya. Tumingin ako sa mga kasama ko na naabutan kong nakatingin sa amin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi, “I have to ask my manager first, kung anong oras ang uwi. Iche-check pa kasi ang mga kuha. At kung may kailangang i-retake, ire-retake.” Tumango siya. “I’ll wait then,” napanguso ako. “Hindi ka ba muna… mag-eenjoy?” tumingin ako sa paligid. Ang ganda ng tanawin, lalo na sa dagat. Maaga pa at hindi pa gano’n kasakit sa balat ang sikat ng araw. I looked back at him. “You should at least enjoy your stay here.” Mataman lang niya akong tinitigan. “Sabay na tayo umuwi. Kung… maaga ang uwi ng mga kasama mo… can we stay here for the day? Uuwi naman tayo… bukas. Bago ang klase mo.” I saw how gentle he is while asking me. And… can I say no to this handsome guy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD