JOBERTNakabalik na ang lola ni Justin sa amerika. Sa isang linggo ay paalis na rin ang lolo. Balik normal na naman ang buhay at nabawasan kahit papaano ang gawain ko araw-araw. Naging abala din kasi ako sa pag-aasikaso sa lolo at pagsama sa kaniyang mga lakarin noong bumisita siya at samahan naming magpasko at bagong taon. Ilang linggo at babalik siyang kasabay si Lola Ghie para asikasuhin ang kanilang kasal. Matutuloy na nga yata na talagang magiging kapamilya na namin si Justin. "Ha ha ha! naunahan pa kami ng mahal ko!" Regular pa rin ang buhay kahit ilang buwan na kami ni Justin bilang magkarelasyon. Hatid at sundo pa rin ang obligasyon ko sa kaniya. Obligasyon at hindi isang sakripisyo ang gawaing ito dahil nakakadala kaya ang maulit ang nangyari sa kaniya noong naholdap. Mahirap

