Recap : "Drake! Ano bang problema mo? Basta-basta ka na lang nanununtok!" sa halip na sagutin ay naglakad sya palayo. Na naman? Ginagalit nya talaga ako! Kanina pa sya lakad ng lakad palayo! Hinabol ko sya, nang maabutan ko ay marahas kong hinawakan ang braso nya. "Drake! Tumigil ka nga! Nakakaasar ka na eh!" di pa rin sya nakinig kaya bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso nya at napaupo. "Nakakainis ka na! Di ko alam ang problema mo kasi di mo naman sinasabi! Kanina ka pa lakad ng lakad palayo sa tuwing tinatanong kita. Tapos ngayon bigla-bigla ka nalang nanununtok! Ano ba Drake, nahihirapan ako eh! Di ko alam kung anong nangyayari sayo!" humagulhol na ako nyan. Nasasaktan na kasi ako eh tapos di ko pa sya maintindihan. "Gusto mo talagang malaman?" nang tumingala ako sa kanya ay seryos

