"Ahrg" Nagising ako sa ingay ng ringtone ng cellphone ko. Ngunit nang bumangon ako ay naramdaman kong parang bibiakin ang ulo ko. What the heck, bakit ganito ang pakiramdaman ko? Parang anumang oras ay babaliktad ang sikmura ko. Ganunpaman ay pinilit kong bumangon at sagutin ang kung sinumang tumawag. "Hello?" "Bes!!! Where are you??" napapitlag ako sa lakas ng boses na yun ni Liz kaya tuluyan akong nagising at naramdaman ang sobrang sakit ng ulo ko. "Ano ba Liz. Ang ingay mo!" sikmat ko sa kanya. "Bes, alam mo ba kung ano ngayon?" "Malamang, Byernes" Pagkasabi ko nun ay nakuha ko nga gusto nyang sabihin. Omg! Shucks, ngayon nga pala yung pageant. Patay! Paano yun? Ang sakit ng ulo ko! "Bes! Pumunta ka na dito, marami pang gagawin. " pagkasabi nun ay pinutol na nito ang tawag. Wow

