Napapailing na lang ako habang nakatingin ako kay Liz na litong-lito at napapakunot ang noo. Nakatingin kasi siya sa mga sari-saring damit sa closet niiya. Hays! Nasaan ba ako? Nandito lang naman ang dyosa sa bahay ng mayayamang tao katulad ni Liezel. Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng kwarto niya dahil namimili kami ng damit na maisusuot. "Bestie, bestie. Ito na lang suotin mo" ang lapad ng ngiti niya habang hawak hawak ang isang kulay itim na damit. Yuck, parang nauubusan na ng tela nung ginawa ata ito. I rolled my eyes " No" matigas kong pahayag sa kanya kaya sumimangot siya. "Bestie, lahat na ng damit ko ayaw mo. Ayaw mo ring magshopping tayo. Wala na akong maisip na style ng damit na gusto mo " umupo siya sa tabi ko. Oo nga noh? Nahalungkat na niya lahat ng damit sa closet pero

