Kanina pa ako di mapakali. Nandito lang naman ako sa kwarto kasi naghahanap ako ng maisusuot. Nakakalito. Nakakainis, Hindi naman ako conscious sa kung anong susuotin kasi nga dyosa ako remember? Pero kagabi, nagulat talaga ako nang tanungin ako ni Drake na kung gusto ko ba raw lumabas kasama siya. Hala teh, speechless ako. Akalain niyo yun? First time niyang magyayang lumabas kami kaya nagulat ako. Pero mas nagulat ako sa sarili ko. Parang naexcite o something ? Ahh. Nakakaloka na. Sa inis ko ay sinabunutan ko ang sarili at napaupo sa kama. "Aminin mo nang gusto mo siya" sabi pa ng puso ko. Gusto? Duh! Never akong magkakagusto dun noh. "Baka naman type mo siya?" tanong ng isip ko. Type? Yung supladong yun? Eww. Hindi ko siya type! " Denial Queen!" magkasabay na sigaw ng puso't isip

