Nakatanaw ako sa malawak na karagatan habang naglalakbay ang isip ko. Kakatapos lang naming mag scuba diving. Maliban dito ay nag-island hopping kami, banana boat at speed boat kanina. Sigurado akong hindi ako marunong lumangoy kaya medyo natakot akong subukan ang scuba diving. Buti nalang may training ng ilang oras lalo na para sa mga hindi marunong lumangoy. Natuto din naman agad ako kung papaano lumangoy at paano gawin ang scuba diving. Kaming tatlo lang nina mommy at daddy ang sumubok dahil hindi pinasama si Max. Bata pa raw siya kaya naiwan siya kay Linda. Maganda pala sa pakiramdam. Parang pansamantalang nawala ang mga problema ko lalo na nang makita ko ang kagandahan ng karagatan. Naitanong ko pa ang sarili ko kung dati kaya ay naranasan ko ba ang ganitong pakiramdam. 'Yung relax

