Liezel's POV "Hi tita" humalik ako sa pisngi ni Tita Belle pagkapasok ko ng kwarto ni Del. Ngumiti si Tita pero alam kong pilit lang ang ngiting yun. Sinong ina ang makakayang ngumiti ng totoo habang ang anak nya ay nakaratay sa kama at na-coma? Inilapag ko ang dala kong prutas na paborito ni Del, mangga at apples. Alam ko namang di rin makakain ni Del ang mga 'to. :-( Apat na araw na ang nakalipas magmula nang mangyari ang aksidente at kahapon lang din nailipat ng kwarto si bestie. Pero nakakalungkot isipin na sa nakalipas na araw ay walang pinagbago sa kondisyon niya. Mahimbing lang itong natutulog habang tanging mga makina lang ang bumubuhay sa kanya pansamantala. Naramdaman kong pumatak na naman ang mga luha ko pero dali-dali ko itong pinunasan bago makita ni Tita. Napagdesisyunan

