Kakagising ko lang at naghahanda na akong pumasok nang bigla akong mahilo. "Aww. Ang sakit ng ulo ko" reklamo ko. Umupo muna ako saglit at nagpahinga. Maya-maya lang ay ayos na ako. Tsk. Kulang ata ako sa tulog . Kung bakit ba kasi di ako makatulog kagabi. Lagi kasing pumapasok sa isip ko ang nangyari nung nasa ulan kami ni Drakola. Aish. Sa tuwing naalala ko yun namumula ako. Ahem, ganda ng scene eh. A kiss under the rain. Haay. Makaalis na nga lang. *** Kararating ko lang sa paaralan nang salubungin ako ni Liz. "Hi bes. Magkasama ba kayo ni Drake? Di ko kasi makontak eh. " sabi niya. "Hindi. Kararating ko lang. Bakit?" "Naaah. May itatanong lang ako. Sige bes, una na ako. Magsisimula na first subject ko. Bye!" humalik muna sya si pisngi ko bago nagmamadaling umalis. Nagtaka naman

