Chapter 76 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON POV Niyakap siya ni Noah, at tuwang-tuwa naman si Alexa na pumapalakpak pa nang makita silang magkayakap. Nasa dining room sila ngayon, at abala si Alyana sa pag-aasikaso sa bata. Tumunog ang cellphone ni Noah, kaya sabay silang napatingin dito. Sinagot ito ng lalaki at paminsan-minsang napapasulyap kay Alyana. "Anong balita?" tanong niya sa kausap. "Sir, tukoy na ang nag-utos sa tatlo, sir. Nasa presinto na ang mga ito; natunton sila sa isang bayan sa Batangas." "Okay, sige. Hintayin ninyo ako at pupunta ako diyan," sagot ni Noah. Nakatingin lang si Alyana sa lalaki at hinihintay ang sasabihin nito. "Aalis muna ako. Ikaw na ang bahala kay Alexa. Nahanap na yung tatlo na dumakip kina Mom." sabi nito. Gulat na

