Chapter 61 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ NOAH'S POV Imbes na umalis pabalik sa site, bumalik ako sa sala at binuksan ang mga dokumentong inabot sa akin ni Mom. Binasa ko ang nakasaad dito, at nangilabot ako sa nakalagay sa sulat ni Mr. Sebastian at iba pang mga papeles, may agreement ito at naka-safe keep ito sa pangalan ni Dad. Ito ba ang sinasabi niyang mga files na iniwan niya kay Dad? Tumingin ako kay Mom na ngayon ay umiiyak na sa tabi ko. "Mom, when did you see this?" I asked. Humikbi si Mommy at tila hindi alam ang sasabihin sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Gabrielle—" Simula niya, ngunit pumiksi ako at inalis ang kamay niya sa braso ko.Bigla nagdilim ang paningin ko sa kanya. "Mom, tell me the truth! Kailan mo pa nalaman na anak ni Mr.

