Chapter 20 R-18+ MATURE CONTENT READ AT TOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Nanginginig sa lamig si Alyana habang yakap-yakap ang kanyang mga tuhod. Nakahiga siya ng patagilid at pinagpapawisan ng malamig. Ikalawang araw na niya dito sa loob ng bodega. Uhaw at gutom na siya, ngunit hindi na siya makabangon dahil sa pagkawala ng lakas. Nawalan na rin siya ng pag-asa na tumawag o magmakaawa, sapagkat wala namang nagtangkang tulungan siya para makalabas. Samantala, tumaas ang gilid ng labi ni Noah at napakunot ang noo nang makita ang kotse ng kakilala niyang si Tom, anak ng kanilang family friend noon sa bayan. Hindi sila malapit dahil mayabang si Tom, kabaligtaran ng kanyang tahimik na ugali. Isa pa, naging karibal niya ito kay Sandra. Ang alam pa nga niya, muntik nang pagsamantalahan ni T

