Chapter 15 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Nagmamadaling tumakbo palabas ng malaking bahay si Alyana pagkatapos niyang ilabas sa pamamagitan ng iyak ang masasakit na sinabi sa kanya ni Noah. Mugto ang kanyang mga mata habang binabagtas ang daan papuntang tagong talon ng hasyenda. Palagi siyang nagpupunta rito kahit noong dalagita pa siya hanggang sa magdalaga. Bibihira ang mga pumupunta sa lugar na ito dahil medyo masukal at malayo na sa kabahayan. Sinasabi ng iba na delikado itong puntahan nang mag-isa, ngunit sa tagal niyang pabalik-balik dito, wala namang masamang nangyayari sa kanya. Iniisip niya na panakot lang iyon sa mga kabataan sa loob ng hasyenda. Sanay na rin si Alyana sa lugar na ito, ngunit hindi pa rin niya maiwasang maging alerto, lalo na’t

