Chapter 81 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ ALYANA'S POV Nagising ako nang may narinig akong ingay sa paligid ko na parang madaming nagbubulungan sa aking tainga. Dahan-dahan akong nagmulat at tumambad sa paningin ko ang puting kisame at tangke ng oxygen sa gilid ko. Napahawak ako sa ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko ng subukan kong umupo. "s**t," sambit ko. "Allie, thank God you're awake." Mukha ni Cedric ang unang nakita ko nang tuluyang luminaw ang paligid. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala kung ano ang nangyari sa amin. " Hey, Careful alamo naman may sugat ka sa ulo," saway nito sa akin ng napahawak ulit ako sa may benda na nasa kaliwang parte ng aking ulo. "Cedric, si Tiya… si Dad?" naiiyak kong tanong, sobrang troma ko na pag mg ganitong sitwasyon.

