Chapter 67 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIR PERSON POV Walang imikan sina Noah at Alyana habang nasa sasakyan sila. Napansin na lang ni Alyana na pumasok ang kotse nila sa isang subdivision na puno ng magaganda at malalaking kabahayan.Hindi naman siya pamilyar dito sa manila kaya siguro mas kumpinsya siyang sumama kay Noah dahil alam nito kung saan sila unang mag-umpisang maghanap. “Saang lugar ’to?” tanong niya sa lalaki. Lumingon sa kanya si Noah, saglit siya tinitigan bago binaling ulit sa daan ang tingin. “This is where your father lives,” sagot nito. May kutob na si Alyana na dito nga ang sadya nila pero kinabahan pa rin siya na makaharap mismo ang ama. “Lagi ka bang pumupunta dito?” tanong niya, ngunit agad niyang naisip na parang mali ang kanyang tanong

