Kasamang umiinom ni Johann ang kanyang barkada kasama si Scarlet sa isang Bar pero hindi parin maibsan ang galit na nararamdaman nya simula nung umalis sya sa mansyon. "Happy Birthday Johann!" sigaw ng mga kaibigan nya saka sabay sabay na itinaas ang baso na may lamang alak. "Cheers!" sabay inom nito sa kani- kanilang inumin pero ang kay Johann ay nananatiling nasa kamay nito. Ni hindi man lang nito magawang tikman ang alak na hawak nya. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan dahil sa hindi maipintang mukha ni Johann. "Hoy Johann! Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa.." natatawang puna ni Chris kay Johann. "Tsk" hindi na ito pinatulan ni Johann at nananatiling wala sa mood sa isang sulok. Lahat naman sila ay napatingin sa cellphone ni Johann ng b

