Habang nasa byahe sila ay hindi nya pinapansin si Johann. Nakahalukipkip lang sya at sambakol parin ang mukha nya. Hindi nya maintindihan kung anong meron dito kay Johann at bigla nalang syang gustong pauwiin. Napatingun sya kay Johann ng makita nyang iba na ang tinatahak nitong daan pauwi sa Mansyon nila. Napahabol sya ng tingin sa dapat ay lilikuan sana nila pero dumiretso ito at lalong pinabilis ang takbo ng sasakyan. "Anong ibig sabihin nito, Johann?" Gusto na nyang magpanic pero pinili nyang maging kalmado. Mahirap na, baka maaksidente pa silang dalawa pag ginulo nya ito sa pagmamaneho. Pero napapansin nyang palayo na sila ng palayo at huminto sila sa isang hotel. "Johann! Ano ba? San mo ba ako dadalhin? Kinakabahang tanong nya dito at halos magpupumiglas na sya sa pagkakahawak

