Lalong nagimbal si Johann sa katotohanang narinig nya sa bibig mismo ng kanyang Daddy. Iniwan nya rin itong nakatulala sa loob noon at nagmamadaling sinundan ang umalis na si Janelle. Nang makita nya itong sumakay sa sasakyan nito at pinatakbo agad ng mabilis ang kotse ay agad nyang tinungo ang kanyang Motorsiklo Sa kabilang gilid nya ay nakita nya ang papalapit na si Scarlet sa kanya habang tinatawag sya pero hindi na nya pinansin ang babae. Sa ngayon ay okupado ni Janelle ang buong isipan nya. Nagmamadali syang binuhay ang makina ng motorsiklo nya at agad na sinundan ang papalayong kotse ni Janelle. Masyadong mabilis ang patakbo ni Janelle sa kanyang kotse kaya binilisan din ni Johann ang pagpapatakbo sa sa motorsiklo nya. Hindi naman nya napansin ang truck na patawid sana sa dinaraan

