Episode 7

1109 Words
Nagising si Johann sa isang katok. Nagtaka naman siya. Sino naman kaya ang may lakas ng loob na katukin siya ng ganito kaaga? Usually kasi pag week ends ay tanghali na siyang gumigising. Hindi ito tumitigil sa pagkatok kaya napilitan na siyang bumangon sa kanyang masarap na pagkakahiga. Patamad nyang binuksan ang pinto. Nakahanda na syang singhalan ang kung sino man ang kumakatok pero natigilan siya ng makita ang kanyang Daddy sa labas ng pintuan niya. Walang ganang nilakihan niya ang awang ng pintuan saka pinapasok ang Daddy niya. "Anong kailangan mo Dad?" malamig na turan niya rito. Bumuntong hininga naman muna ang Daddy niya bago ito nagsalita. "Ipinasok kita ng part time sa isang coffee shop. Gusto kong matuto ka ng ilang mga bagay bagay sa pagtatrabaho dahil ikaw na ang mamamahala sa kumpanya pagdating ng araw." sabi ng daddy niya. Hindi naman niya maintindihan kung pakiusap ba iyon o isang utos. Pero sa tingin niya ay isang utos iyon dahil kelan ba naman nakiusap ang daddy niya sa kanya. Huling pag uusap pa nga nila ay nauwi rin sila sa pagtatalo. Kaya nga halos paliparin na niya ang motor niya nung araw na muntik na niyang mabangga si Janelle dahil sa sobrang sama ng loob niya rito. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa daddy niya dahil namatay ang mommy niya na wala man lang ito sa tabi nito. Ang sakit para sa kanya na habang naghihingalo ang mommy niya ay ang daddy parin niya ang hinahanap nito na hindi niya alam kung nasaang lupalop. Dumating ang daddy niya na wala ng buhay ang mommy. Nang tanungin naman niya ito kung saan nanggaling, ang sagot lang nito ay galing sa board meeting. So pathetic right?. Ni hindi man lang niya nakitang umiyak ang daddy niya kahit sa huling hantungan ng mommy niya. Hindi niya rin makalimutan ang huling pagtatalo ng mommy at daddy niya. Na may ibang babae ang daddy niya at yun ang aalamin niya kung sino. Sisiguraduhin nyang magdudusa din ito kagaya ng nangyari sa mommy niya kahit sino pa siya. "Bakit pa ako magtatrabaho kung kumakain naman ako tatlong beses sa isang araw?" sarkastikong sagot niya sa kanyang ama. Nakita niyang natigilan ang kanyang daddy sa pagsagot niya ng pabalang. "I don't wanna be like you and I will never be like you!" Sigaw niya rito. Wala siyang modo kung iisipin pero ito rin ang nagtanim ng galit sa puso niya. Ni minsan ay hindi niya naramdamang minahal ng daddy niya ang mommy niya. Naalala niya noon na madalas nakikita niyang nakikitang nag aaway ang mga ito. At ang laging pinatatalunan nila ay ang babaeng tinutukoy ng Mommy niya. "I can't touch her right? Ganun mo sila kamahal kaya ganun mo na lang sila kung protektahan?" Rinig nyang sigaw ng Mommy niya. "Look Cecille. Pwede ba nagtatrabaho ako dito ng maayos at hindi ko alam kung saan nanggagaling yang ganyang issue mo." Pngangatwiran ng Daddy niya. "Yeah right! Work hard until you die. Nakalimutan mo na yata na may asawa at anak ka. Ni minsan ay hindi mo kami binigyan ng oras. Tinanong mo na ba kami kung gusto namin ng pera? Hindi ko kailangan ng pera mo dahil ay kailangan namin ay ang atensyon at pagmamahal mo. Sa akin bilang asawa at kay Johann bilang ama!" Galit na sigaw ng mommy niya sa daddy niya. Napapikit na lang si Johann sa ala-alang palaging pabalik balik sa isipan niya. Sa huling sinabi niya ay nakita niyang napakuyom ang kamao ng daddy niya at akmang susutukin siya nito ng biglang may pumasok sa pintuan ng kwarto niya. Ang kanang kamay at ang nag iisang pinagkakatiwalaan ng kanyang ama. Si Abacus. "Excuse me sir. This is an important matter." rinig niyang sabi nito sa Daddy niya. Nakita niyang napapikit ng mata ang kanyang Daddy at huminga ng malalim para ikalma ang sarili nito. "I gotta go. I hope magbago pa ang desisyon mo sa buhay mo." huling sinabi ng daddy niya bago tuluyang umalis ng sabay ang dalawa. Nagtaka naman siya kung saan ito pupunta kaya sinudan niya ito hanggang sa garahe at doon ay nakita niyang nagmamadaling sumakay ang mga ito saka pinaharurot ang kotse. Iba ang kutob niya kaya hindi na siya nagdalawang isip na sundan ang mga ito. Sa isang pribadong hospital huminto ang kotse ng Daddy niya. Sinundan niya ito pero nauna itong pumasok sa elevator kaya bahagya syang napasuntok sa pader. Nagmamadali siyang tinungo ang hagdan kaya lang ay hindi niya sigurado kung saang floor ito pupunta. "Bahala na!" wika niya. Pagdating niya sa pangalawang palapag ay paakyat pa rin ang elevator paitaas kaya hinintay na lang niya ito kung saang floor ito hihinto. "Bingo!" biglang nasambit niya ng huminto ito sa 9th floor. Nang bumukas ang elevator ay pinindot niya kaagad ang 9th floor. Nang makarating siya ay agad niyang inilibot ang paningin niya pero ni anino ng Daddy niya ay hindi niya nakita. Kung hindi nga naman siya timang. Sino bang basta basta na lang pupunta sa hospital na hindi alam ang pangalan ng dadalawing pasyente. Nabuburyo na siya sa paghihintay dahil mag iisang oras na yata ang nakalipas pero hindi pa rin niya nakikitang lumabas ang mga ito. Napansin naman siya ng mga nurse kaya tinanong ng mga ito kung sino ang dinadalaw niya. Nawala tuloy ang atensyon niya sa binabantayan niya. "Johann?" Ang daddy niya. Bahagya siyang napapikit. "Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ng daddy niya sa kanya. "Visiting a friend." malamig na sagot niya rito. Bahagya pang kumunot ang noo ng Daddy niya. Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sagot niya. "Ikaw dad bakit nandito ka?" balik na tanong niya rito. Napansin niya ang pagkabalisa nito. Hindi makatingin sa mga mata niya. Napangisi si Johann. Siguradong may hindi magandang ginawa ang Daddy niya. "Ah ako? Visiting a friend like you." sagot ng Daddy niya. "A friend? Kilala ko ba siya?" nagtatakang tanong. "Hmm no." tipid na sagot ng daddy niya. Halatang umiiwas ito ng pakikipagusap sa kanya dahil sa matipid nitong sagot. "Hmm ok I gotta go," Putol niya sa usapan. Lumabas si Johann sa Hospital pero ang isip niya ay okupado ng kung sino ang dinalaw ng Daddy niya. Hindi ito madalas dumalaw sa mga kaibigan nito, kahit nga sa mommy niya ay hindi ito madalas na dumalaw noon. Tapos ngayon, may biglang dinalaw sa hospital? Sino naman kaya ang dinalaw na friend ng Daddy niya tapos hindi pa niya kilala? Sa kilos pa lang ng Daddy niya ay halatang may itinatago na ito sa kanya. Yun ang gsuto nyang alamin. "Humanda ka Daddy. Malalaman ko rin ang itinatago mong sikreto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD