Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ang mga pagbabago ni Johann. Hindi na sya nagagalit sa akin kagaya dati. Hindi narin nya ako binubully o kahit pagsalitaan nya ako ng masama ay wala na akong naririnig mula sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong nakain nito at bigla nalang bumait sa akin ang isang ito. Lagi nyang tatanungin kung anong gusto kong pagkain at kapag sinabi ko na ay agad syang magluluto. Sa umaga gigising akong may nakahanda ng almusal sa higaan ko. Nakakapanibago man pero sana ay hindi na sya bumalik sa dating Johann na nakilala ko. "Joh---" tatawagin nya sana ito para mag paalam muna na pupunta sya sa Daddy nya. Pero hindi na nya naituloy dahil seryoso itong nakikipag usap sa telepono nya. "Oo! Gawin mo! I need that immediately!" rinig nyang sabi nito sa kausap s

