Nang magising si Johann ay wala na si Janelle sa tabi nya. Agad nya itong hinanap sa buong bahay ngunit hindi nya ito makita. Naisip nyang baka nasa tabing dagat ito at hindi nga sya nagkamali. Nakaupo ito doon at nakatanaw sa malayo. Agad naman nya itong nilapitan at umupo sa tabi nito. "Nandito ka lang pala. Kamusta na pakiramdam mo?" Tumingin naman ito sa gawi nya. "Oo, maayos na, salamat nga pala dahil inalagaan mo ako kagabi" ngumiti ito sa kanya pero hindi iyon umabot sa mata nito. Mukha itong matamlay at parang may malalim na iniisip. "Hmm. Nagugutom ka na ba?" Hindi ito sumagot kaya naman nagtaka na si Johann sa inaasal nito s kanya. Pero hindi na sya nagsalita ulit at hinayaan nalang ang pananahimik nito. Kumuha ito ng maliit na bato at ibinato sa tubig ng dagat. Para itong

