"Happy Birthday Jonairee!" Bati nila habang karga ito ni Johann sa dalawang bisig. Isang simpleng salo salo lang ang inihanda nila sa mansyon. May mga palaro din sa mga bata na anak ng mga amiga ni Daddy. Maya maya ay dumating na rin si Daddy at may kasamang bisita. Si Mr. Domenico at Dominic. Napatingin ako kay Johann. Binabasa kung ano ang magiging reaksyon nya. Pero nakatingin lang ito ng diretso sa dalawa habang papalapit sa kanya. Lumapit ako sa kanila at kinuha muna si Baby Jonairee na hawak hawak nya. "Anak.." mahinang bati nito sa kanya. Ibinigay nito ang regalo sa apo at tinanggap naman iyon ni Jonairee. "Say Thank you to Grandpa, Baby" utos ko sa anak ko na agad naman sinunod. "Thank you po G-granda pa." sabi nito sa nahihiyang tinig. "Don't be shy, Sya si Lolo Domenico
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


