Nagdaan ang ilang araw at nananatili parin sila sa Isla pero isang katotohan ang nalaman ni Janelle at hindi sya makapaniwala sa nabasa nya mula sa email ni Johann. Nagpa DNA test sila ni Daddy at negative ang resulta niyon. Paano nangyari yun? Akala ko ba si Daddy ang asawa ng Mommy nya? Paanong nangyari na hindi sila magkamatch ni Daddy? Nang marinig nya ang yabag ng paa ni Johann ay agad nyang itinupi ang laptop nito at nagkunwaring nagbabasa ng libro na nasa center table. Pero nagulat sya dahil ang inaakala nyang libro ay men's magazine pala. Narinig naman nya ang pagtikhim ni Johann kaya nakaramdam sya ng panlalamig dahil sa pagkapahiya. "Ah.. Eh.. Matutulog sana ako. Itatakip ko sana sa mukha ko. Hindi ko naman napansin na puno pala ito ng kahalayan sabay bitaw sa hawak nyang ma

