Habang naririnig nya ang yabag ng paa ni Johann na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan nya ay palakas ng palakas ang kalabog sa dibdib nya. Daig pa nya ang nakikipagkarera sa mga kabayo sa sobrang bilis noon. Parang kulang nalang ay hindi sya huminga para hindi sya makalikha ng kahit na anong ingay sa ilalim ng kama nito para hindi sya nito marinig. Nang tumapat ang pares ng sapatos nito sa tapat ng kama ay napahawak sya sa bibig nya. Muntik na syang mapatili dahil sa gulat buti nalang at napigilan nya ang sarili nya. Nang makita nyang papunta na palabas ng pinto ang mga paa nito ay doon lang sya nakahinga ng maayos. "Kring! kring!" rinig nyang nagvibrate ang cp nya ang masaklap pa noon may kasamang ringtone kaya agad nyang pinatay iyon. Napasapo naman sya sa noo nya. "Paktay! Paa

