Nang makapasok si Janelle sa loob ng classroom ay may 30 minutes pa syang natitira para sa pagrereview kaya kinuha nya ang libro nya at nagbasa basa muna. Pero patuloy sumasagi sa isipan nya ang babae at si Johann na naglalampungan sa daan kaya kahit anong pilit nya ay walang pumapasok sa utak nya. Ipinilig nya ang ulo nya. Kailangan nyang mag focus ngayon dahil Final Exam na. Isang taon nalang at gagraduate na sya sa kolehiyo. Natutuwa sya sa isiping matutupag na ang pangarap nilang mag Ina na maging isa isa syang Chef. Bigla ay napa isip sya. "Kamusta na kaya si Mommy?" Napabuntong hininga nalang sya ng maisip ang Mommy nya. Matapos ang klase at exam ni Janelle ay naisipan nyang puntahan si Danna sa room nito dahil wala syang cellphone. Saktong palabas naman si Danna ng classrom nito

