Nakaalis na si Noah. Hindi na rin siya nagtagal at nang marami na kaming nagawa ay nakuntento na muna kami. Babalikan na lang namin iyon sa susunod. Nagpresinta siyang gawin na lang ang iba sa mga susunod na araw. Hindi ko kasi iyon magagawa dahil may photoshoot ako at schedule sa Boracay bukas. Babyahe na ako agad after class at baka ang uwi ko ay Linggo na. Buong Sabado iyon, and my sched on Sunday is still not sure. Nang makaalis si Noah, naabutan ko si Isles na naglilinis na ng sasakyan niya. Siguro ay free time niya ngayong araw kaya hindi siya nagkukulong lang sa kwarto niya o sa study room para mag-aral. Mula sa main door ay naglakad ako palapit sa kaniya. Abala pa rin si Isles sa paglilinis sa Chevrolet niya, like it’s his child. Napansin niya ako kaya sandali siyang napat

