Bumuntonghininga ako habang dala ang aking maleta papasok sa bahay ni Isles. Dala ni Alfred ang iba pang mga kagamitan at lahat ay pinapasok muli sa bahay. Kung may kakayahan lang na magreklamo ang pinto ni Isles ay baka matagal na nitong ginawa kakapabalik-balik ng mga gamit ko. “Last hakot na ba talaga natin ‘to, Ma’am Nathalia? Sure na? Para ma-ready ko itong sasakyan, baka lumayas kayo ulit,” sabi ni Alfred. Gusto ko pa sana siyang gawaran ng masamang tingin pero hindi ko na iyon inintindi pa at tumango na lang. I don’t have the energy to fight right now. I am running out of options already, kailangang-kailangan ko nang mag-isip nang maayos na solusyon, iyong may patutunguhan. Habang pinapasok ni Alfred ang mga gamit sa loob ng main door ay inilibot ko ang tingin ko sa labas. M

