Hindi ko na hinintay pa si Isles. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay nauna na akong bumaba sa kaniya at halos magmartsa sa bermuda grass ng kaniyang bahay. Papalubog pa lang ang araw ngunit halos hindi ko mapansin ang ganda nito dahil sa iritasyon. He was talking to me inside his car, pero halos hindi ko siya kausapin at hindi ako lumipat sa passenger seat. Bakit kasi ayaw niyang sumunod sa ‘kin? Kung sumunod lang siya ay hindi siya maaabutan ni Esekia sa labas at hindi siya mabibigyan ng invitation card! Siguradong mag-e-expect na iyon na pupunta siya sa party! Naramdaman ko ang kaniyang pagsunod sa ‘kin matapos mai-park ang kotse, ngunit tuloy-tuloy akong pumasok sa entrada ng bahay. “Nathalia,” tawag ni Isles nang makapasok kami. “What? I’m tired,” giit ko sa kaniya at hi

