C-15: Bangayan Ulit

1515 Words
Kagaya noong isang araw ay bisita na naman ni Rose si Josh. At kagaya ng dati ay kung ano-ano na naman ang mga dala nito para sa dalaga. At usual naman ay pinakitunguhan nang maganda ni Rose ang binata dahil behave naman itong bisita niya sa araw na iyon. "Hanggang kailan ko kaya masusungkit ang matamis mong oo?" Biglang tanong ni Josh sa gitna ng kwentuhan nila ni Rose. Napatitig naman si Rose sa mukha ng binata at tinatantaniya ang kanyang isasagot. "Saan ka nga pala sa Manila? We have owned three condo units there isa sa mga negosyo ni Daddy." Sabi pa ni Josh. Napangiti naman si Rose at nagde-quatro ng upo. "Sure ka na gusto mong malaman ang address ko sa Manila? Nakakahiya naman sa'yo pero saka ko na ibibigay ang address ko kapag pabalik na ako doon." Sagot ng dalaga. "Puwede kitang ihatid kung gusto mo ng bumalik doon!" Mabilis na tugon ni Josh. Si Rose naman ang natawa. "No need ayoko sa mahabang biyahe I prefer to take my private chopper." Anito. Saglit na natigilan si Josh at napaawang pa ang bibig nitong nakatitig kay Rose. "Chopper?" Ulit na sabi ni Josh. "Yeah. Ayokong mag-commute ng sasakyan it's too long for me bago makarating ng Manila. And I can't," sabi naman ni Rose. "Ah...okay!" Tumatangong tugon ni Josh na parang medyo natapiyasan ang ego nito. "Can I invite you to watch sine?" Tanong ni Josh. Nag-isip naman si Rose magsasalita na sana siya nang biglang lumitaw si Simon sa may pinto. "Excuse me remind ko lang si Rose na may lakad kami today." Sabat nito. Napanganga naman si Rose na napatitig kay Simon na walang makikitang emosyon sa mukha nito. Dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman silang lakad sa araw na iyon ni Simon. "Rose?" Baling ni Josh sa dalaga. Tumawa naman si Rose sabay tikhim na sinamahan pa niya nang matamis na ngiti. Para naman kapani-paniwala ang lakad nila kuno ni Simon sa araw na iyon. "Nakalimutan ko pa lang may lakad kami ngayon sa pinyahan. Sorry pero sa ibang araw na lang," sagot ni Rose. "Ganoon ba? Sige bukas na lang ng gabi may showing sa Mall namin." Turan naman ni Josh na mukhang dismayado ang mukha nito. Napataas kilay naman si Rose. "Mall niyo?" Tanong niya ulit. "Yeah. Kami ang may-ari sa isang Mall doon sa bayan," proud na sabi ni Josh. Napaisip tuloy si Rose, a mayor sa isang probinsiya kayang magpatayo ng isang...Mall? Hindi kaya isang corrupt ang Ama ni Josh? "Natulala ka diyan? Hindi ka makapaniwala ano? Ganoon kami kayaman! Kaya magbubuhay reyna ka sa akin Rose," nakangiting wika ni Josh. Napakurap-kurap naman si Rose mangani-ngani na niyang sabihin sa binata na walang binatbat ang yaman nito sa kanyang yaman. Pero hindi naman kasi siya kasing yabang ng lalaking nasa kanyang harapan sa mga sandaling iyon. Napatingin naman si Rose kay Simon na napapailing at umalis na ito. Siguro ay nahimigan din ni Simon ang kayabangan at mahanging ugali ni Josh kaya ganoon ang hitsura nitong umalis. "Alam mo sa lahat ng ayoko sa isang lalaki is iyong masyado siyang mahangin at mayabang. I'm trying to be nice here ayokong lumabas ang mga itinatago kong sungay." Tahasang sagot ni Rose. Napakurap-kurap naman si Josh. "What I did wrong?" Maang nitong tanong. Ngumiti naman si Rose. "Wala naman paki -ayos naman ang mga pananalitao mo may nati-trigger sa from within ko eh! Hindi kasi ako nasisilaw sa yaman pasensya ka na." Napatikhim naman si Josh pero namula ang mga punong-tainga nito. "Sorry I didn't meant it. I'm just proud to say it to you our wealth!" Apologetic ang boses ng binata. "It's okay! Alam mo na sa susunod," wika naman ni Rose na nakakiling ang ulo nito. Maya-maya pa'y tumayo na si Josh at nagpaalam na kay Rose. Ganoon din ang ginawa ni Rose inihatid niya pa ang binata hanggang sa labas para naman hindi nito isiping bastos siya masyado. "Paano bukas na lang tayo mag- sine?" Tanong pa ng binata nang nasa may sasakyan na niya ito. "Oo naman para wala kang masabi sa akin," sagot ni Rose. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Josh na kanina lamang ay dismayado. Pero hindi talaga uubra sa kanya ang mga ganoong pag- uugali kahit sino pang poncho pilato ang kanyang kaharap. Kung si Simon baka puwede pa siyang yumukod pero depende pa rin sa sitwasyon. Nakailang busina si Josh bago ito tuluyang umalis nakahinga naman nang maluwag si Rose mainipin siyang tao kapag mga walang kwenta ang kanyang kausap. Pabalik na sana si Rose sa loob ng bahay nang mahagip ng kanyang paningin si Simon na nasa backyard garden. Napangisi ang dalaga at mabilis niyang pinuntahan si Simon na naglalagay ng fertilizer sa mga pananim na gulay. "Daddy Simon!" Agad na tawag ni Rose dito nang malapitan niya. Marahas namang napabuga nang hangin si Simon at humarap siya kay Rose na pansamantalang itinigil ang ginagawa nito. "How many times do I need to tell you that don't call me Daddy? Hindi kita anak, at mas lalong hindi kita asawa." Mariing wika ni Simon. Tumawa lang si Rose. "Ayaw mo ng Daddy talaga? O sige , Papa Simon na lang!" Aniya. "Hindi mo ako Ama," walang gatol na tugon ni Simon at muli na nitong hinarap ang kanyang mga pananim. "Ang sungit mo naman. Saan ang lakad nating dalawa ngayon kagaya ng sinabi mo kanina kay Josh?" sabi pa rin ni Rose na hindi nagpatinag sa kasungitan ni Simon. "Wala. Sinabi ko lang 'yon para huwag kang sumama sa kanya!" Malamig na tugon ni Simon. "Ganoon? Now, you care for me Papa! Huwag kang mag- alala kahit naman sasama ako sa kanya eh... sa'yo pa rin naman ako buong-buo." Pilyang wika ni Rose. Napapikit naman si Simon at muli siyang humarap sa dalaga. "Dahil kargo kita..sa akin ka ipinagbilin ni Tita Dina okay? At kung may mangyari sa'yo na masama ako ang malalagot!" Saad naman nito. "Eh... bakit hindi mo ako inaalagaan?" Nakalabing tanong ni Rose. "What?! Anong gusto mong pag- aaalaga na gagawin ko sa'yo?" Maang na tanong din ni Simon. "Bakit mo ako iniiwasan? Bakit ka masungit sa akin? Napakalamig ang turing mo sa akin na para bang I'm not a human?" Mga sumbat ni Rose. "Are you kidding me?" Magkasalubong ang mga kilay ni Simon. "I'm not kidding you! I'm just telling the truth," giit naman ni Rose sabay halukipkip. "I'm setting our boundaries okay? Dahil hindi magandang tingnan na magkalapit tayong dalawa lalo na ikaw kung ano- ano ang ginagawa mo when I'm around with you!" Paliwanag ni Simon kinalaunan. "A boundaries? Ano ka werewolf and human ako ganoon?" Mulagat ni Rose. "That's not what I mean. Alam mo ang ibig kong sabihin Rose Velvet huwag kang magmaang- maangan diyan." Pandidilat naman ni Simon sa dalaga. Napangisi naman si Rose na tumitig kay Simon. "Ano bang mali sa ginagawa ko? Anong magagawa ko if I'm falling for you? Masama ba?" Aniya. "Yes masama! Dahil pamilyado akong tao hindi nababagay sa'yo na single at maganda ang pamumuhay." Turan naman ni Simon. Natawa si Rose. "Pamilyado? Eh... nasaan ang asawa mo kung ganoon? The hell I care, gusto nga kita!" Prangkang tugon pa niya. Natigilan naman si Simon at napatitig kay Rose. "Masama bang magkagusto ako sa'yo?" tanong pa ni Rose. Napakurap-kurap naman si Simon makalipas ng ilang minuto. Nag- iwas ito nang tingin sabay buntonghininga. "Madali lang magsabi ng gusto mo ang isang tao Rose. Bata ka pa nga you don't know the difference of gusto sa mahal okay? Stop pestering me, hindi tayo puwede." Seryosong tugon ni Simon and as usual ay iniwan na naman niya si Rose. "Tingnan natin kung hanggang kailan mo ako matatanggihang pakipot ka!" Inis na bulong ni Rose at padabog na din itong pumasok sa loob ng bahay. Umasa pa naman siyang may pupuntahan nga silang dalawa sa araw na iyon. And it turned out na pakulo lamang pala ni Simon iyon para hindi siya sumama kay Josh. "Ano kaya kung didikit ako kay Josh? Tingnan ko nga kung magse-selos siya," sabi pa ni Rose sa kanyang sarili. Kapagkuwan ay napangiti ito nang may mamuo na namang ideya sa kanyang isipan. Tumango-tango pa nga ito at muli na namang bumalik ang maganda niyang mood ng dahil sa kanyang naisip na paraan para mahuli niya ang pakipot na si Simon. Pakanta-kanta pa nga itong nagpunta ng kitchen para magtimpla ng kanyang juice at kukuha na din ng meryenda niya. Pagkatapos nitong mag- meryenda ay hinanap na niya si Shai para samahan na naman niya itong maglaro sa kung saang part ng rancho sila pupuwesto. Ganoon na ang laging ginagawa ni Rose kay Shai naaawa kasi siya sa bata na walang kausap. Minsan naglalaro na lang mag- isa, kakain kapag tinatawag o kay nanonood naman. Tutal ay wala namang pagkakaabalahang iba si Rose ay napagpasyahan niyang si Shai na lang ang sasamahan niya araw-araw at kausap. Parehas naman silang walang kasama kaya sila na lang and close naman na sila ng dating malditang bata noong salta pa lamang siya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD