Makahulugan ang bawat tingin ni Rose kay Simon habang ang huli naman ay hindi niya matingnan ng diretso ang dalaga. Naging mas tahimik si Simon at mas naging mailap pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Rose sa sapa ng araw na iyon. Hinayaan na muna naman ni Rose si Simon subalit sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay kinikindatan ito ng dalaga sabay kagat labi. "Natingnan niyo na ba 'yong nilagay niyong panghuli ng baboy ramo?" tanong ni Mang Teban sa kanilang mga kasamahang nakahuli ng usa. Hangang-hanga naman si Rose pagkakita nito sa usa na nahuli nila. For the first time nakakita din siya ng usa for real at personal. Gusto din tuloy niyang makita ang baboy ramo na legendary sa baryo na iyon. Sa katulad niyang taga- Manila malaking adventure para sa kanya ang makakita ng usa at b

