Christine's POV Nagising ako sa mahinang hikbi sa aking tabi. "Leona Anak, bakit ka umiiyak?" Tanong ko kay Leona. Mas lalong lumakas ang paghikbi niya. "Nanay... Huhuhu, kala ko iiwan mo na ako, ang tagal mong magising eh. Miss na miss na kita." Yumakap ako sa kanya. "Sshh... tahan na, hindi naman kita iiwan eh, natulog lang si Nanay." "Promise mo, hindi mo ako iiwan Nanay ha." Ngumiti ako sa kanya at mahigpit ulit na yumakap. "Nanay uwi na tayo sa Resort, ayaw ko na dito, balik na tayo sa bahay natin dati." "Oo, oo pangako ni Nanay uuwi na tayo. Uuwi na tayo sa bahay natin dati." Sabi ko dito habang pinupunasan ang aking luha. Bigla kong naalala yung nangyari sa bahay ni Leonardo. 'Yung Baby ko.' Yan ang lumabas na salita sa bibig ko. "Manang." Pagtatawag ko kay Manang, mabilis

