Christine's POV
Nakarating kami sa bahay niya. Hindi man lang ako iniimik. Nagalit yata dahil sa joke ko kanina.
"Follow me and don't talk." Sabi niya. Seryoso ang mukha niya na tila hindi mo pwedeng mabiro.
Sumimangot naman ako. "Hindi naman ako nagsasalita eh." Mahinang sabi ko.
"Stop murmuring. I can hear you."
"Hindi naman ako nagsasalita eh." Nakapout na sabi ko. Ayaw ko ng ganitong conversation. Masyadong seryoso.
Pinanlakihan niya ako ng mata kaya zinip ko na ang bibig ko.
Pumasok kami sa parang isang library. Andami kasing libro.
Bigla akong naexcite. I like reading books lalo na yung mga kwento sa w*****d at sa pocketbook.
Para akong tanga na nakangiti habang nililibot ko ang aking mata sa bawat sulok ng library na ito.
Naalala ko noong bata pa ako, sinasaktan ako ng tiya ko dahil panay basa lang daw ako ng pocketbook kahit hindi naman.
Para akong katulong noong nasa puder ako ng tiya ko. Ako ang naglilinis, naglalaba, nagluluto pati nagpaplantsa. Pag may oras ako at natapos ko na lahat nang gawaing bahay umaalis ako at pumupuntang mall para magbasa ng pocketbook sa National Books Store.
Nagtatago ako sa isang sulok para hindi ako makita ng guwardiya. Pag-umuuwi naman ako nakahanda na ang pamalo ko na sinturon. Wala akong magawa that time dahil si tiya lang ang kilala kong kamag-anak.
Kahit sinasaktan at magkapilay-pilay na ako sa sakit ng tama ng sinturon sa katawan ko ay patuloy parin akong tumatakas para magbasa ng pocketbook sa Mall. Doon ko lang kasi napapatunayan na may forever. Halos lahat ng pocketbook na binabasa ko ay may happy ending kaya nasisiyahan ako. Alam ko naman kasi na sa tunay na buhay ay wala talagang forever kaya nga gusto ko magmadre eh.
Lumaki ako sa bahay ampunan. Doon ko nakilala ang matalik kong kaibigan na si Isa.
Naglakas loob lang naman akong umalis sa bahay ng tiya ko noon dahil... Dahil muntik na akong gahasain ng tiyo ko. Lasing siya noon, iyak lang ako ng iyak, buti ay dumating si tiya galing palengke at hindi ito natuloy. Pinagbantaan niya ako na papatayin niya daw ako kaya kinabukasan lumayas na ako dala ang naipon kong pera.
Lumuwas ako ng Maynila at doon ko nakilala si Mother Teresa. Sabi niya aalagaan niya daw ako kaya sumama ako.
"You're crying." Bumalik ako sa kasalukuyan ng makita ko si sir na nagaalalang nakatitig sakin.
"Ha? H-hindi ahh. N-nagpapractice lang akong mag-drama kasi mag-aaudition ako." Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. "Ayos ba ang acting ko? Tingin mo pwede ako maging artista at magkaroon ng best actress award?"
Hindi siya sumagot at dumiretso sa swivel chair niya.
"Sungit naman nito. Wag ka ng magalit sa joke ko kanina, biro lang yun." Sinundan ko siya at umupo sa upuan na kaharap siya. "Uy! Bati na tayo. Papayag na nga ako maging maid mo eh."
"Can you please shut-up? Kanina pa ako naririndi sa boses mo. Para kang puwet ng manok na putak ng putak." Galit na sabi niya kaya napatahimik ako.
Hala! Galit na talaga. Pero ang gwapo niya pa rin pag nagagalit. Kilig much na naman ako nito. Nakatingin kasi siya sakin.
'Wag ka papaapi Tine.'
Lambingin mo lang ang amo mo at bibigay din yan.
"Diba dapat ang bibig ng manok ang pumuputak-putak? Hindi puwet ng manok." I smile widely, patay malisya kunwari.
Nakita ko siyang napabuntong hininga. Seseryoso na nga ako.
"Ito naman. Joke lang yun sir, sige na mag-discuss ka na."
"Okay. You will be my maid as long as I want. You're not supposed to go anywhere at dapat ako lang ang aasikasuhin mo sa araw-araw. Copy that?"
Mabilis akong sumagot. "Copy cut Sir. I mean yes po."
"Lahat ng sasabihin ko at ipapagawa ko sayo ay susundin mo. Hindi ka pwede mag-inarte dahil ipapakulong kita--"
"Kulong agad? I mean continue sir." Kahit ako ay naiinis na sa pinagsasabi niya pero keri lang dahil para akong magiging housewife sa trabahong ito kasi siya lang ang aasikasuhin ko.
"If I'm satisfied with your work, I will set you free and I hope pag nangyari yun ay hindi na magtagpo ang landas natin Miss Christine."
Mabilis akong tumango. "Areglado Sir."
"Good! At isa pa may iba't-ibang kwarto ang mga katulong dito. Dahil ikaw ang personal maid ko ay sa taas ka matutulog."
"T-tabi po tayo Sir." Kinikilig na sabi ko.
Pinanlakihan niya ako ng mata. "What? No! Ano ka sinuswerte? Your bedroom will be at the end of 2nd floor, hallway."
Sumimangot naman ako. "Sige na nga Sir. 2nd floor rin naman ang kwarto mo eh. Yun nga lang ako nasa dulo ikaw nasa unahan. Sa bagay okay narin yun, dalawang kwarto lang naman agwat natin sa isat-isat." Kunwari'y nagtatampo ako sa kanya.
"Don't pout. You look like a fish." Napangiti naman ako kasi nagjojoke na siya. Mukhang hindi na siya galit. Mukha namang nabasa niya ang nasa utak ko. "I'm serious you look like a fish."
Napasimangot na naman ako. "Oo na po, pero sir bakit ayaw mo na sa tabi nalang ako ng kwarto niyo matulog?"
"Nothing! I just don't like the vibes."
'Pa-vibes vibes pang nalalaman.'
"If I know sir kaya ayaw mo na nasa tabi kita kasi tumitigas yang junjun mo." Sabi ko habang tawa ako ng tawa. Tumigil lang ako kakatawa ng makita ko siyang nanlilisik na ang mata. "Biro lang po." Nagpeace sign pa ako. "Uhm... Sir baka doon sa magiging kwarto ko may multo ahh. Takot ako sa multo, nagpa-house blessing ka naman na po diba?" Pag-iiba ko ng topic.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "No! Hindi ako nagpapa-house blessing and you're right. Sabi ng iba kong katulong may nagpapakita daw na white lady sa kwartong yun. Kaya magingat ka ayaw niya ng madaldal."
Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya hindi na ako nagsalita. Tumitig lang ako sa kanya at napansin niya naman iyon.
"Can you please go to your room now? You're annoying me."
"Sige na nga. Goodnight na, kiss ko." Ngumuso pa ako sa harapan niya upang lalo siyang inisin.
"Uy hinihintay ko yung kiss mo. Hoyyy! Ay wala na. Kainis naman! Sayang!" Natawa ako sa pinagsasabi ko. Para kasi akong tanga dahil papikit-pikit pa ako yun pala ay wala na siya sa harapan ko.
Tumayo na ako. Wala naman na akong magagawa dahil sabi nga ng mga lalaking armado na kumuha sakin ay 'Sorry miss, but this is the boss' order.'
Napabuga nalang ako ng hangin habang naglalakad papunta sa bago kong kwarto.
Nakakamiss ang ingay sa labas. Nakakabingi kasi ang katahimikan dito sa loob ng bahay ni Sir Leon.
Leon ang tawag ko sa kanya kasi mukha siyang leon kung makatingin. Parang laging mangangain ng tao.
Pumasok ako sa bago kong kwarto dala ang aking malaking bag na plastik.
"Napakaganda ng kwarto na ito." Nasabi ko nalang sa kawalan. Ang laki kasi tapos halos lahat ng gamit ay puro vintage. Siguro pag binenta ko itong mga gamit niya ay yayaman ako ng sobra.
Kaya lang medyo weird. Ito lang kasi ang kwarto na maraming lumang gamit at parang matanda na ang gumamit nito.
Yung ibang kwarto naman kasi ay puro bago at latest ang disenyo. Ito lang talaga ang naiba.
Lumabas muna ako para uminom ng tubig. Nanunuyo na kasi lalamunan ko.
Pati tiles sobrang kintab. Kulang nalang ay halikan ko ang mga ito.
"Ay deputa..." Hinawakan ko ang aking dibdib. "Sorry po lola hindi ko po sinasadya nagulat lang po ako." Hingi ko ng paumanhin sa matanda.
"Ikaw ba ang bagong personal maid ng alaga ko?" Tanong ng matanda. Para siyang kasing tanda ni Aling Leng.
"O-opo. Sorry po talaga nagulat lang ako." Mabilis na sagot ko.
"Bakit nandito ka pa? San ang kwarto mo?"
"Sa 2nd floor po sa dulo po ng hallway."
"Ganun ba? Bakit ka doon pinagkwarto ng alaga ko? Marami namang ibang kwarto."
"Ewan ko po kay sir Leon sabi niya nga po may white lady daw dun eh. Matanong ko lang po lola, lahat latest ang disenyo ng bahay na ito bakit yung kwarto ko lang naiba?"
"Hindi pinabago ng alaga ko ang kwartong iyon dahil duon namatay ang Lola niya. Ayaw ngmatanda na pinapakialaman ang gamit niya kaya sabi ni Leo na wag na daw pakialaman ang kwartong yun. Hindi ko nga alam kung bakit mo yun naging kwarto eh." For the second time ay kinilabutan na naman ako.
Hindi lang pala white lady ang makikita ko sa kwarto na yun pati pala ang yumaong lola ni sir Leon.
"Ahh... Sige po akyat na ako." Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko, nagsisisi ako dahil nagtanong pa ako kay Lola.
Inayos ko ang gamit ko at patakbong humiga sa kama at nagtakip ng kumot sa mukha.
Kailangan ko na itong itulog baka magpakita pa ang lola ni Leon.
Habang natutulog, nakaramdam ako ng parang malakas na hangin na humahaplos sa aking balat. May narinig din akong nagbukas at sara ng pinto.
"OH MY GOD!! Help me po, ayaw ko pa pong mamatay sa takot." Nakarinig ako ng naglalakad palapit saakin kaya tumakbo ako dala ang unan at kumot ko palabas ng kwarto.
Tiningnan ko ang orasan at 2:00 AM pa lang. Isang ilaw lang ang nakabukas sa hallway.
Naiiyak na ako sa takot. Para akong batang takot sa multo. Siguro nagbabahay ako kaya ako ganito.
Ayaw ko na rin bumalik sa kwarto ko.
Pinuntahan ko ang kwarto ni sir Leon. Nilapit ko ang tenga ko sa may pintuan upang marinig kung gising pa ba siya pero wala na akong marinig na kahit na anong ingay.
Napabuntong hininga nalang ako at sumimangot.
"Alam ko na, dito nalang ako matutulog sa may tapat ng pinto ni sir. Magigising nalang ako ng maaga bukas para hindi niya ako mapansin na hindi ako natulog sa kwarto ko."
'Wahahahah, talino ko talaga.'
Nagumpisa na akong maglatag. Dala ko naman ang unan at kumot ko.
Kahit hindi ko katabi si sir Leon ay malapit naman ako sa kanya.
I'm sure magigising siya pag sumigaw ako at nakakita ulit ng multo.
Nakatingin lang ako sa kisame habang kusa naman na pumikit ang aking mga mata sa sobrang antok.
----------
"s**t!" Napamulat ako ng biglang may dumagan sakin.
"Aray!" Sigaw ko at unti-unti kong minulat ang aking mata.
Nabungaran ko ang gwapong mukha ni sir Leon.
'Ang gwapo niya kahit bagong gising.'
"Goodmorning sir." Nakangiting sabi ko.
"What the f**k are you doing outside my room?"
Bigla kong naalala na dito pala ako sa labas ng kwarto niya natulog dahil sa takot ko sa multo kagabi.
"Sorry sir." Mabilis akong tumayo at kinuha ko ang kumot at unan na nakalatag.
Nakalimutan kong gumising ng maaga.
'Shemayyyyy, siopaoooo.'
"What the f*ck are you doing outside my room? Kakaumpisa mo lang puro kapalpakan na ang naidulot mo."
'Patay galit na talaga siya.'
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and comment.