Hindi ko maiwasang mailang sa ginagawang pagsulyap ni Pierre sa akin. Para kasi itong sira, na kahit may mga kausap ito ay sa akin tumitingin. Mukhang nasa isang business lunch siya dahil kapareho niya ng ayos ang tatlong lalaking kausap. "Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" Tanong ni sir Kael. "H-Hindi ah. Masarap kaya." Inalis ko nalang ang atensyon ko kay Pierre. Paano ay habang tumatagal ay parang gusto ko ng isaksak itong pinapanghiwa ko sa inorder kong turkey meat sa mata niya. Hindi kaya lihim na akong isinusumpa ni Pierre? Paano ay sunod sunod na ang araw na nagkikita kami. He doesn't want to see my face again, he was so clear with it. Naaalala ko pa nga ang ekspresyon ng mukha niya ng sabihin nya iyon sa labas ng court house. "By the way, how's the preparations for ms. Fajar

