"Chef Bernadette, wala kang karapatan para insultuhin at paratangan ako ng kung ano-ano! Hindi ko na kasalanan kung hindi mo maakit si sir Kael kaya kung kanikanino mo binubunton yang selos mo! Wala kang karapatan para idegrade ako kakabakod mo sa lalaking hindi naman interesado sayo!" Parang bulkang sumabog ang inis ko sa kanya. Walang problema kung pagagalitan niya ako sa oras ng trabaho, kung may kinalaman iyon sa trabaho ko at talagang may kapalpakan akong nagawa. But for her to insult me based on her speculations porket nakita niya akong lumabas ng opisina ni sir Kael ay sumusobra na! "Ang kapal ng mukha mong sampalin ako!" Nagtaas din siya ng kamay, pero bago pa man lumatay sa mukha ko ay pinigilan ko na agad. Pilit niyang binabawi ang kamay nya, pero mahigpit ang pagkakahawak ko

