"Are you real?" Pumiyok pa ang boses niya ng itanong iyon. "Of course I'm real. Ano bang nangyari sayo ha?" Tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako ay mabilis itong bumangon at niyakap ako ng sobrang higpit na halos hindi ako makahinga. "Jino saglit! Yung kamay ko." Hindi ko magawang matulak siya ng maayos dahil sa injure ko sa kabilang kamay, at natatakot din ako na sa halip na gumaling ay lumala lalo kapag gumamit ako ng lakas. "Hindi ako makahinga ano bang nangyaya—" "I nearly lost you forever today." Parang takot na takot ito nang sabihin iyon. "Bat naman ako mawawala? San naman ako pupunta?" Nagtataka kong tanong. "Sandali kasi, pano tayo magkakaintindihan nito kung... Hindi na ako makahinga Jino!" Saway ko dahil hindi pa din nagbabago ang higpit ng pagyakap niya. "Ano ba kasing

