"There's no need for that, I can escort her." Papayag na sana akong sumabay kay sir Kael sa loob nang marinig ko iyon, at nang muli akong lumingon sa likuran ko ay nakita kong humahangos na papalapit si Jino. "Bakit ang tagal mo!" Agad kong sermon sa kanya. Akala ko talaga ay hindi na ito darating dahil hindi naman niya ugaling nahuhuli. "My battery died, I got stuck in the traffic, and I can't find a place to change kaya nagbook pa ako ng hotel. I know I'm running late so I run as fast as I can." He's still gasping for air. "Ganun ba? Tingnan mo pinagpapawisan ka tuloy." Buti nalang at may hanky ako sa dalang handbag kaya naman pinunasan ko ang tagatak ng pawis sa mukha niya. I saw Jino avert his eyes to my back, and he smirked. Doon ko lang naalala na kasama ko nga pala si sir Kael.

