"Your husband has a weird taste in clothing." Agad na puna ni sir Kael ng suotin niya ang t-shirt na ibinigay ko sa kanya habang nilalabhan at idina-dryer ko yung coat at polo shirt niya. Actually hindi naman kay Jino yung t-shirt na pinahiram ko. Ayokong pakialaman ang gamit nito, at mas lalong lalo na kung ipapahirap ko sa iba, at sa taong ayaw pa nya. It's a t-shirt owned by my older brother na naiwan dito ng minsang magbakasyon sila ng pamilya nya. Naitago ko ng maayos kaya mukhang bago pa din at hindi nagfade yung prints na mukha ng isang rockstar na may makapal at buhaghag na buhok. Matagal na nila akong hindi nabibisita dito, simula nung tumanggi akong ibenta kay kuya tong bahay ay parang nakalimutan na nila ako, so I guess he won't be needing this anymore. "A-Ang importante ay hi

