LILITH'S POV Nahirapan ako sa nirequest niyang orange juice dahil hindi ko magawang ipanghawak ng maayos ang kaliwa kong kamay, pero natapos ko na at lahat, pati ireheat ang pagkain ay hindi pa rin ito bumabalik kaya naman tatawagin ko nalang sana siya tutal didiretso na din ako sa kwarto ko para bumawi ng tulog. Pero ilang hakbang nalang paitaas ay nakita ko itong lumabas ng kwarto ni Nadine. Ang paalam niya ay magbibihis lang siya, but he's still wearing the same clothes kaya siguradong doon siya dumiretso. Hinuhubad niya ang suot na jacket when he noticed me, at mula sa hindi maipintang mukha ay napalitan ang ekspresyon niya ng pagkagulat. "Mukhang kailangan kong bumalik sa resort. Hindi nadala ni Nadine yung mga gamit ko eh. Hindi nya daw kasi alam na umiwi ako. Nakalimutan ko pala s

