Theo's POV
Kagigising ko lang and it's already 10: am. Medyo napasarap ang tulog ko but still I can't help hiding the truth na mas masarap ako kesa sa tulog ko.
Nang bumaba ako'y natagpuan ko si Mommyla na nasa kusina playing with her phone. Malamang e candy crush na naman yun.
"Apo? Ba't ngayon ka lang nagising?Mukhang masarap ata ang tulog mo? Btw, kailangan ka babalik sa States!?" Si Mommy talaga! Hindi pa nga ako nagwa-one week dito e pinapauwi na agad ako!
Nagtungo ako sa Refrigerator at kumuhng pwedeng kainin at umupo sa tabi niya.
"Ewan ko Mommy la... I'm enjoying here together with you so maybe... Hindi muna ako babalik doon..." I answered while pouring some milk on my cereal.
"Together with me? Or with he---"
"Not with Terry Mommyla! Hell no! Speaking of that girl.... Nasan siya?" Tumingin si Mommyla na may panuksong dala ang mga mata niya.
"Mommyla naman e! I'm just asking!" I acted like a child and it's my attitude infront of Mommyla. Siguro naman titigil na siya kakaasar sa kin.
"I know HAHA! Ba't ka naman diyan nagiging bata!? Si Terry ba kamo?" Mommyla! Kailangan pa ba talagang paulit-ulitin?
"Oo nga Mommyla! Paulit-ulit naman e... Nang-aasar ka ba talaga?" I pouted. Call me childish but it's my childish and clingy attitude.
"Haha masyado ka namang pikon diyan ha...." Nginuya ko nalang yung cereal ko, baka san pa mapunta tong usapan to e.
"Mommyla? I'm just asking you about her?"
"E bakit mo tinatanong yan? Why are you interested?"
"Masama na ba ngayong hanapin ang mga taong nawawala!? Tss! Okay lang naman na di mo sagutin Mommyla... You're just teasing me..." I replied. Should I ask to? Why am I finding her? In fact, I don't care at all kahit san man siya ngayon.
"Okay fine! Terry is out of here. I mean... I don't exactly know where she is but she mentioned about her clock so I guess.... She's going to find for her clock again!" Ang init-init kaya sa labas and she's right there? Pano kung umuwi siya dito? At magkasakit siya... I can't.
I mean, makakahawa siya because of her stupidity. Ano bang mayroon sa time machine na yan? Can't she just choose staying? Since... It's very impossible na matagpuan pa niya ang relong hinahanap niya.
"I see!" sumulyap lang sakin si Mommyla at tumango.
I continued eating my cereal kasi malamig na 'to parang kayo.
"By the way... Kamusta na puso mo Apo? I saw Cassandra's f*******: account and she definitely added me..." Lumaki ang mata ko sa sinabi iya kaya agad-agad kong kinuha ang cellphone ko to check her account. She deactivated her account for a long time.
"She's not changing.
Ang ganda pa rin niya, I'm still amazed with her angelic beauty. She's not really changing!"
I'm still stalking her and she has a post about traveling. I clicked it and I saw her friends or our should I say--our friends commented on it and they're commenting 'see you soon, Cass!' 'We missed you' and more.
"See you so--" wait? No! Theo? You shouldn't do this... Saad ko nang namamalayan kong nagtatype na ako sa post na. Ano ako? Marupok?
Fvck!!!! I missed her. Yes, I wanna see her right away. Ako pa rin kaya? I know...may mha nakikilala na siyang iba but I know how inlove she is on me.
"You still love her... Right?" Napatingin ako kay Mommyla na biglang binasag ang pagsstalk ko kay Cass.
"Let's stay... Yeah! Pero maybe it's because I can't still stop thinking about her ever since the day she left? I don't know, but my heart is telling me different from what my heart says" I paused.
"Mommyla? You know how much I loved her. You saw how I became crazy because of her... But fvck! Still wasn't enough for her!" Natatawa kong tugon. I really realized kung pano ako nabaliw sa isang Cassandra Bautista. Maybe she's my childhood friend and I knew her for too long? I don't know.
"Theo Ryven? Apo, you can't stop your heart loving... You felt a true and a genuine love and all I say, it will never automatically heal after a break up or pain... It will let you suffer the pain again and again... But one day, you will wake up nothing heavy in your chest and the day will come, you'll feel the same way of craziness again but for the right person...." She smiled.
"I see... Pero sana naman hindi na kasing sakit ng narasanan ko kay Cass!" I turned off my phone and let the reality eat me. Na hindi na ako, na tapos na kami matagal na at iniwan ako sa ere ng babaeng minahal ko nang lubusan at puno ng katanungan na walang kasagutan.
"I still could remember my bestfriend, Terry! The grandmother of Cassandra. I saw there love story. The Jacob and Terry's love story..." Terry? Kapangalan ni Terry yung lola ni Cassandra. Ngayon ko lang naalala. Kamusta na kaya siya? Close kaming dalawa dati e.
"Kapangalan pala niya si Terry..." tumango siya at ngumiti.
"Ewan ko pero magaan ang loob ko kay Terry. Siguro nga'y nangungulila na ako kay Terry na nasa ibang bansa na..." I just nodded.
"You say so... Pero mabuti naman at tinulungan mo... Kung hindi kawawa yun panigurado kasi walang mauuwian..." saad ko dito.
Andyan na naman ang ngiti niyang nakakaloko.
"Nag-aalala lang ako..." paliwanag ko.
"Ikaw ha... Binabalaan lang kita Theo Ryven na isang araw... Aalis na si Terry!" paalala nito. E ano naman?
"Bakit naman? Anong connect sa 'kin!? Kahit na ako pa mismo ang maghatid sa kanya...." saad ko dito. Pffft ipapaputol ko yung tenga ko kapag hindi ko ginawa yun!
"Wala lang... Baka lang makalimutan mo... Maganda pa naman si Terry...." I just smirk at tumayo. Babalik na ako sa kwarto ko.
I'm not that fragile. I'm not vulnerable. I'm not marupok! Except kay Cass.
"Balik muna ako sa kwarto Mommyla.." I said while leaving her a kiss on her cheek.
"Basta ha? Don't forge---"
"Mommyla!" Singhal ko dito
"Nagpapaalala lang HAHAHAHA!" tugon nito at tawa ng tawa.
I left her alone in kitchen. Gusto ko pang matulog kaya bumalik na muna ako sa silid ko.
Terry's POV
"Ate? May nakita ho ba kayong relo dito noong mga nakaraang araw?" Tagaktak na ang pawis ko dahil sa init ng araw. Binabalikan ko yung lugar kung saan ako nakita ni Mama Aida.
"Wala naman iha!" Tugon ng ale na aking pinagtanungan. Ilang araw na ang nakakaraan ngunit di ko pa rin iyon matagpuan. Kailangan ko na yong matagpuan sa lalong madaling panahon.
Napaupo at napasandal na lamang ako sa isang sulok at nagtatanong-tanong sa mga dumadaan. Pagod na ako'y saan-saan na ako nakakarating ngunit sadyang mailap ang relong iyon.
"Terry?" Napatayo ako nang tawagin ang aking pangalan. Siya yung isa masungit na kasama nina Cris at Rex. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil sa kasungitan nito. Pero teka? Bakit niya ako pinansin ngayon? At anong ginagawa niya rito?
"Gi-Ginoo?Bakit ho kayo naririto?" Bigla itong napakamot ng ulo.
Ang ganda niyang magdala ng damit.
"Hindi na mahalaga 'yon! Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Nahihiya nitong tanong.
"A-Ah kasi ano.. may hinahanap ako.. pero pauwi na din ako kaya mauna na ako..." Naiilang ako sa kanya. Dali-dali akong naglakad pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"A-ahm. I'm sorry!" Tugon nito nang mapansin niya na nailang ako sa ginaw niya.
"A-ayos lang! Ba-Bakit ho? M--May kailangan pa po kayo?" Nakangiti lang ito at inabot sa 'kin ang kamay niya.
"Kyle! I'm Kyle..." Nakipagkamay lang din ako at ngumiti ng pilit.
"Terry..." tumango lang siya.
"By the way... Total pauwi ka na man if you don't mind ihahatid na kita! In fact, pinapupunta rin naman ako ni Theo sa bahay nila..." Saad nito at inilahad sa 'kin ang sasakyan niyang nakaparada malapit sa kinauupuan ko kanina.
"Wag na ho! Ayos lang saka may pera naman ho akong panasah---" Sandali lang? Nasan ang pera ko? Sinubukan ko pang hanapin ang pera ko sa bulsa pero wala ito doon. Nanlaki nalang ang mata dahil sa gulat. Biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko.
"Bakit? May problema ba?" Nagtataka niyang tanong.
"Patay!" Napapikit nalang ako at nakakainis na. Bakit ngayon pa nawala ang pera ko? Napabuntong-hinga nalang ako sa pagkawala nito. Siguro'y nawala ito nong kasagsagan ng aking paghahanap sa nawawalang relo.
"Yes?" natatawa nitong tanong.
"Kasi ano..."
"Kasi?"
"Y-yung pera ko.... nawawala... Hehehe!" napangisi nalang ako at napakamot ng ulo dahil sa kapalpakan ko.
"See? I told you! Sige na wag ka nang mahiya at sumabay ka na sa 'kin!" saad nito at naglakad patungo sa sasakyan niya
"Ayos lang ba talaga?" paninigurado ko. Nakakahiya naman kung makikisabay.
"Oo naman!" Ngumiti ito ng napakalapad at tumango.
"Walang sakit sa damdamin?" halatang nagulat lang siya sa narinig ko.
"Wala naman!" Nagtataka nitong sagot.
"Ahmm galit o poot?" HAHAHA Ewan ko pero natatawa ako sa mukha niya.
"Alam mo kung ayaw mo edi wag!" La? Ito naman galit agad. Gusto ko lang naman manigurado na walang sakit sa damdamin e dahil ayokong magkaroon ng utang na loob na hindi naman bukal sa puso ang pag-gamit.
"Huy wait lang naman! Eto na nga sasakay na! Ang sakit kaya sa paa maglakad!" Alam kong natatawa na to pinigilan lang. Sa kagandahan ko ba naman e tatanggihan Niya? Hmmm.
"Tsss sasakay naman pala e HAHA!" Tugon nito. Sabay lagay ng kung helmet sa ulo niya.
Ang gwapo niya.
"Eto naman! Ba't ba ang sungit-sungit niyo sa 'kin?" nakausog ang nguso ko ngayon dahil magpapacute ako para lang wag nang magsungit.
"Hindi ako masungit. Ganyan lang talaga ako manalita at kumilos..." Tugon nito sabay diin sa nguso ko kaya napausog ako. Ang baho ng kamay niya ah?
"Sabi mo e... Pero bakit ang baho ng kamay mo?" Natatawa kong tanong.
" Hoy! For your information hindi mabaho ang kamay ko!" Saad nito nang amuyin niya ang kamay niya. Ang dali naman maniwala nito.
"Tss" Saad ko. Natatawa lang ako sa mukha niya. Ewan ko ba para siyang isang Ginoong inagawan ng kendi.
"Start ko na yung motor ko!" tugon nito bago pinadyakan ang motor niya.
"Si-sige....Syanga pala, yung nangyari sa bahay ni Theo? Ipagpaumanhin niyo ho ako..." nakayuko kong paumanhin. Talagang hindi ko makalimutan ang nangyari sa bahay naku po!
"Ayos lang Yun! Actually, we enjoyed it HAHAHA!" At talagang natutuwa pa sila? E kahihiyan ko yun.
"Nakakatawa naman kayo... Ako'y nangungulila tuloy sa aking matalik na kaibigang si Adelaida... Nais ko na siyang makita!" Nangungulila na ako sa aking kaibigan. Kamusta na kaya siya at ano na kayang ginagawa nila?
"Sakay na.." nagulat ako ng tapikin niya ako.
"Saan?"
"Dito sa ulo ko!" Napatingin lang ako sa ulo niya. Bakit diyan ako sasakay? Pa-Pano kung maamoy niya yu-yung ano... Yung... Basta.
"A-Ahm..."
"Syempre sa likod ko naku!" Napakamot lang ito ng noo sa kanyang tinuran. E malay ko ba kung saan ako sasakay? E hindi naman ganito ang aming transportasyon.
"A-Ah..."
"Btw, Nasaan ba siya?" Napalingon siya sa 'kin ng hindi ako sumagot.
"Sino?"
"Yung kapitbahay niyo?" Ha? E ba't niya hinahanap?
"Ha?"
"Hangsarap mong kausap!" Ang sarap ko daw? Alam ko yun. Grrr Terry? Nahahawaan ka na ni Theo sa kapilosopo.
"Si Adelaida?" Siya yung matalik kong kaibigan at gusto ko na siyang makita.
"Yup!"
"Ahmm wala... Hayaan mo na. Kalimutan nalang natin yung usapang yon!" Tumango lang siya. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito sa panahon ng mga masusungit, e pwede namang sa ibang panahon ako mabuhay pero bakit dito pa?
"Sige. Humawak ka sa bewang ko!" Bewang? Hindi niya ba alam na bawal ang bagay na iyon? ito'y pagkawalang respeto sa isang Binibining kagaya ko.
"H-ha? Bakit?"
"Baka mahulog ka sa kin e...." Bangin ba siya? Bakit naman ako mahuhulog sa kanya? Medyo may pagkakapal din ang mukha niya ah
"Mahulog!?"
"Oo. Baka mahulog ka mamaya pag umandar na ang motor.." paliwanag nito at kinuha ang dalawang kamay ko at sinubsob ako sa likod niya. Akala mo naman kabangohan siya? Oo, mabango nga.
"A-Aray!" singhal ko ng masubsob ang mukha ko sa likod niya na akala mo naman dagat na pwede sisirin.
Matapos niya ngang ilagay ang kamay ko sa bewang niya'y nagsimula na siyang magpatakbo. Nong una'y hindi ko pa kayang ibalanse ang katawan ko pero nong patagal ng patagal ay akin naring natututunan
Theo's POV
"Nasan si Terry?" Terry na namaaaaaan!
"I don't know where she is!" Mommyla gave me an insane.
"Salamat Kyle kung hindi kapa dumating hindi kapa dumating hindi Sana ako makakauwi rito." Nagulat ako nang biglang magsalita si Terry.
Kyle?!
"Walang anuman!" Agad ko silang sinalubong.
"Kyle? What are you doi--Ouch!" I shouted when punch my bum.
What's with him?
"Ano bang ginagawa mo rito?" Bulong ko sa kanya para 'di marinig ni Terry.
"Shhh..." he whispered. Ano na namang kagaguhan ang ginagawa ng lalaking to? And bakit sila magkasama?
I just rolled my eyes towards Kyle and he smiled.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong ko na kinagulat ni Terry. Ano bang meron sa babaeng to? Napakamagugulatin masyado!
"Ah kasi... Nagpadaan ako doon sa ibang baranggay at tamang-tama na naroon din si Kyle... At y-yung pera ko nawawala kaya pinasakay niya nalang ako sa sasakyan niya kasi sabi niya papunta rin naman siya dito kasi pinapupunta m---"
"Pinapupunta ki------" he pressed my waist kaya napatigil ako.
"Yes bro! So, dahil pinapunta mo ako, nakasabay ko siya! So? Excuse us Terry, Sabi niya may pag-uusapan daw kami!" he excused us from Terry. What the heeeeell is he doing? Hindi ko naman siya pinapapapunta dito e.
"KYLE? WHATS GOING ON?" he covered my mouth.
"Shhhh eto na Theo! Sabi ko diba tutulungan mo ako? Eto na! Let's start.. I think I like her..." He winked at me and it's driving me crazy. As if naman sasagutin siya.
"Okay? Sabi mo e! So anong pag-uusapan natin?" He just sat beside me.
"Nothing. It was just a excuse! Anyways... Have you heard the news about Cassandra? She's going to visit Philippines...Soonest!" I took a glimpse on him.
E ano naman kung pauwi na siya? Kung bibisita siya? Well, okay fine! I wanna see her as a friend.
"So?" I coldly asked.
"Anong So? Mahal mo pa siya right? So anong So? Its your chance to get her back! Mag-isip ka dude!" he pointed my forehead. What a good friend!
"Kyle? Do you think so na mahal niya pa ako?" Natatawa itong ngumuya ng candy na nasa mesa kanina. Hindi manlang nagpaalam.
"Theo Ryven! You know Cassandra! Dakilang marupok din yun! Don't worry I will help you... Basta tutulungan mo ako kay Ter---"
"TERRY!" I continued. Alam ko namang siya yung tinutukoy nito. Kahit pa isaksak niya sa baga si Terry, kanyang-kanya na.
"Exactly!"
"Okay..." The conversation ended.
Nakauwi lang si Kyle nong gabi na. He enjoyed talking with me about Terry. Akala niya naman na totoo lahat ng sinasabi ko. E kahit ako nga mismo, hindi ko pa kilala yun hmmm