Terry's POV Ang sakit ng katawan ko nang magising ako kaninang umaga. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang pakiramdam ng ginawa niya. Naiinis ako sa kanya, sabi niya heaven pero pang impyerno ang sakit ng nararamdaman ko? Nandito pa rin ako ngayon sa silid namin at hinihintay ko lang si Theo. May kinausap siya sa telepono at hindi ko alam kung sino. "Dude? Just leave us alone. Pwede ba? Tahimik na kami and sana kayo din. If you want this friendship end, then c'mon! Let's do it right away. Because I don't deal with liers and cheaters!" rinig ko kay Theo nang sumilip ako. Siguro yung mga kaibigan niya ang kausap niya. "No. It's not a big deal for me. Ang akin lang, I don't want this to happen again that's why it's better to stop this useless friendship! No need to talk, we're all done

