Theo's POV Paggising ko, walang sinuman ang nasa tabi ko. Himala nga e, e nitong nakaraang araw halos 'di na nila ako maiwan-iwan. Sinubukan kong tumayo at mabuti nalang, kaya ko na makatayo. Wala na ding nakaungot na mga wire sa kamay at ilong ko. Agad akong bumaba at naroon sina Mommyla, Cassandra at Terry sa kusina't naghahanda ng pagkain. "Uy Babe? Buti naman at nakababa ka na, balak ko pa naman sana ihatid nalang ang pagkain sa taas mo at sabay tayong kumain...." napatingin ako kay Terry na lumapit sa 'kin. "Theo, sige na umupo ka na at ipaghahanda kita!" Napatingin ako kay Mommyla na tinaas lang ang mga balikat at ngumiti. Medyo kakaiba sila ngayon, at parang may nangyayaring kababalaghan sa kanilang dalawa. Umupo nalang ako sa upuan na inurong ni Terry para sa 'kin. "Eto, Bab

