HINDI NASUNOD ANG gusto ng Daddy Tonny niya na matulog sa bahay nila dahil biglang may tumawag dito at gusto daw makipagkita sa kanyang ama. Gustuhin mang tumanggi ng kanyang ama ay hindi nito magawa dahil investor ng kumpanya ang tumawag dito. Naabutan siya ng kanyang Tatay Abel na umiinom ng alak. “O anak, anong meron at bakit nag-iinom ka?” tanong nito sa kanya pagpasok ng bahay. “Hi Tatay, wala naman po. Gusto ko lang pong uminom” nakangiting sagot niya, sinalubong niya ang kanyang Tatay Abel at nagmano. “Asan ang Daddy Tonny mo, akala ko pupunta siya?” tanong nito habang inaayos ang mga dalawang tela at sinulid. “Umuwi din po Tay, may biglaang tumawag sa kanya gusto daw makipagkita” Nagulat na lang siya nang biglang tumabi sa kanya ang kanyang ama dahil ang inaasahan niya ay

