NAGISING SI ALEX nang maramdaman niyang nanginginig na naman si Samantha dahil sa lamig. Agad niya itong nilapitan at muling pinunasan ang ulo, kamay at binti. “Baby girl, I am sorry hindi ko man lang nalaman na masama na pala ang pakiramdam mo” mahinang sambit niya nang muli itong nakatulog. Hinawakan niya ang pisngi ng kanyang kasintahan. “I really miss you so much Baby Girl. Bakit ang lungkot lungkot mo? Bakit ang lungkot ng mga mata mo?” Nang mapansin niya na alas-kwatro na ng madaling araw ay nagpasya siyang bumaba para makapagluto ng kakainin ni Samanatha. Naabutan niya si Angela na nagluluto. “What are you doing Angela?” tanong niya na ikinagulat nito. “I want to eat french fries kaya nagluluto na lang ako kasi ayaw mo akong bilhan” pagsusungit nito. Nitong mga nakaraang

