“HOW ARE YOU Angela?” Napansin niya ang gulat sa mukha nito. “What happened?” kunot noong tanong nito. Napakunot siya dahil sa tanong nito na tila hindi maalala ang nangyari kanina. “You don’t remember?” nagtatakang tanong niya. Kumunot ang noo nito na tila iniisip kung ano ang nangyari, bigla nitong hinawakan ang tiyan at puno ng pag-aalala ang mata. “What happened to our baby?” Unti-unti siyang lumapit dito at hinawakan ang braso nito. “Don’t worry our baby is safe. Pag naubos muna yung laman ng dextrose makakauwi na tayo” malumanay na sabi niya. Tulad ng sinabi ng kanyang ama kailangan niya itong alagaan dahil siya din naman talaga ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Angela pero hindi niya gagawin ang sinabi ng kanyang ama na makipag-relasyon dito dahil hindi pa

