Kandaiyak sa labis na tuwa si Nanang Cora nang makita siya nito magkasama sila ni Oscar nang umaga iyun. "Diyos ko! Akala ko hindi na tayo magkikita! Kahit Reyna ka ng sablay minsan nakakamiss pa rin yun!" She chuckled. "Pasensya na po kung may layas factor pa na nangyari.." "Ikaw talaga! Sabi ko naman sayo eh! Pag-usapan niyo ni Señor muna!"pangaral nito sa kanya. " May maganda naman po dulot yun,Nanang Cora.."matamis ang ngiti niya sabi. Nakita niya ang masuyo pagngiti ng kasintahan mula sa hagdanan. Hinihintay siya nito. "O siya sige..maghahain ako ng aalmusalin niyo dalawa..magpalit ka muna ng damit,bakit ang dumi mo ha?" Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang makahulugan titig nito sa kanya. "Hala,Nanang ha! Wala po,uhm,n-nadapa ako kagabi!" pagsisinungalin niya. Ayaw niya na

