Abot-abot ang sermon sa kanya ni Nanang Cora. "Hindi ko naman po sinasadya,Nang Cora.."paulit-ulit niya saad. " Pasensya na po,hindi ko po talaga iyun sinasadya!"malakas pa din ang kabog ng dibdib niya sa nangyari. Nameywang ang matanda. "Hindi ka sakin dapat humingi ng pasensya,Ysai..Kay Señor!" anito na may kasama pang panlalaki ng mga mata sa kanya. Agad na dinunggol siya ng kaba. Paano siya haharap dito gayun ang laki ng kasalanan niya rito? "Nanang,nahihiya po ako sa kanya.." matapat niya sabi. Marahas na napabuga ng hangin ang matanda. "Pero kailangan mo humingi sa kanya ng tawad.." giit nito sa kanya. "Sige na,kahit na mabait si Señor may hangganan din yun.." Napakagat siya sa kanya pang-ibaba labi. Tama si Nanang Cora. May hangganan ang pagiging mabait nito sa kanya. Kun

