Malakas ang ulan kaya naman hindi sila agad nakabalik sa mansion mula sa farm. Isinama sya ng binata at pinakilala na kasintahan siya nito. Nahihiya tuloy siya sa mga ito dahil kuntodo pa siya tanggi noon iyun naman pala totoo. "Sa tingin ko dito muna tayo magpalipas ng gabi.." saad ni Oscar. Mabuti na lamang malapit na sila sa kubo habang pauwi sakay ng mga kabayo nila nang bumagsak bigla ang malakas na ulan. Mabuti na lang pinayagan siya nito muli sumakay ng kabayo. "Okay lang sakin!"nakangiti niya saad. Mataman na tinitigan siya ng binata. Bigla tuloy natense ang lahat sa kanya. Baka dito na matuluyan na madivi-- hep! Ysai maghunos-dili ka nga! Saway ng isip niya. " Don't worry,walang mangyayari satin ngayon.."anang nito na tila nabasa ang nasa isip niya. Agad na nakaramdam siy

